Wedding blues
Sep 10th, 2008 by ella
katulad ng naikuwento ko na, ang dami kong napuntahang weddings this year. Uso yata siya. And Lord help us, every time, feeling deja vu ako. Walang pinag-iba, pare-pareho! When it comes to weddings ZERO imagination ang mga Pinoy. Why oh why?
Feeling ko nanonood ako ng same program over and over, iba lang ang cast. Every activity is done by the book. Expected na ng lahat ng tao ang susunod na number. Tradition, or superstition to be exact, is the name of the game.
Sorry to bash a beautiful, happy once-in-a-lifetime event, my friends, pero ang mga tanong ko ay sa totoo lang…
1. Bakit hindi dapat makita ng groom ang bride right before the wedding? Parang regalo ni Santa Claus na tinatago ng mga magulang sa ilalim ng kama. Makikita lang ng mga anak nila pag Christmas Eve na. Teka, di ba magkasama na dati ang bride at groom araw-araw? Ka-live in pa nga minsan eh ![]()
2. Bakit bawal isukat ang wedding gown? Sukdang magmukhang suman sa ibus si bride dahil tumaba siya in one week. O pumayat sa stress kaya nakalaylay ang gown sa kanya? And all the brides will naturally wear white or semi-white, which of course is the symbol of purity. Kesehodang may “love child” na sila ng groom na ring bearer pa nila hehe.
Note: I’d love to wear red or pink or salmon on my wedding. Plano ko nga, emerald green Japanese kimono with cute red cherry blossoms everywhere.
3. Bakit may “something old, something new, something borrowed, something blue…and a silver sixpence in her shoe”? The last line we conveniently deleted kasi wala tayong silver sixpence nyahaha! O hindi natin alam kung ano ‘yon? Palitan natin ng “…and a piso in her shoe” LOL!
Ang mga Pinoy talaga, banat na lang nang banat kahit wala silang ideya kung bakit. Pupusta ako, walang modern bride na aware kung bakit kailangan ang apat na items na ‘to sa katawan niya hehe. Sabi lang daw kasi ng nanay niya ‘yon eh LOL. Jeez, GMG, gurls!
4. Bakit double standard ang wedding rites? Bakit ang bride ang lumalakad papunta sa groom? What does it mean? I’m not comfortable with this one. It smacks of chauvinism. Gusto kong magsunog ng wedding bra! It looks to me like a preview ng buhay naming mag-asawa.
Bakit hindi silang dalawa ang maglakad sa aisle papunta sa pari o minister o whatever? O si groom na lang ang maglakad sa aisle papunta sa bride na naka-pose pretilly sa altar? Show me a guy who’s willing to do this and I’ll marry him right now.
5. Bakit balot na balot ang bride na parang mummy? Meaning bakit kailangang may belong nakatakip sa mukha? Ano ‘yun, surprise?? Although marami na ring brides ngayon ang belo-less.
Ah alam ko na, para wag matauhan si groom during the ceremony haha
. Baka nga naman biglang umatras eh, buti na yung sikret kung sino yung pakakainin niya at magtatali sa kanya for the rest of his natural life nyahahaha!
6. Bakit isanlibo ang ninong at ninang? Para saan ito? Sa regalo ba? O investment sa koneksyon? Sidenote: I got an invitation sa isang wedding na may nakasulat na ganito sa sobre - “In lieu of gifts, the couple will appreciate cash”.
Wahahaha! Putah, parang sa patay ah. “In lieu of flowers, please donate to the deceased’s favorite charity”. Shet, abuso sa LOL. Unbelievable!
7. Bakit parang umatend ako ng fashion show…na may color coordinated theme? Kung pink ang motif ng wedding, humanda kang masilayan ang lahat ng shades ng pink sa color chart. Pati sapatos at bag ng mga guests pink din.
Guilty po sa #7. Remember the purple dress na hinanting ko? hehe
The last wedding I attended was coordinated by Shangrila Hotel. What made it unique were the butterflies. Yes, my dears, nagpakawala sila ng mga paru-paro sa loob ng simbahan! Hundreds of purple butterflies! The church was air conditioned kaya sarado.
There was a moment there when three cute paru-paros ang nakadapo sa dibdib ko. The effect was just awesome coupled with the scent of hundreds of roses sa paligid. It was so beautiful muntik nang pumatak ang tatlong luha ko.

Grabe, nakakatuwa ang mga paru-paro. Nasapawan nila ang byuti ng bride.

Parang kasama sa design ng bridal train ang mga paru-paro.

This cute one settled on her veil for the rest of the ceremony. Aaaaw hindi siya lumipad.

Napaka-bad girl naman ng miss na ‘to! Nagkakalat ng cleavage sa simbahan. Kaya dinadapuan tuloy ng mga paru-paro sa dibdib eh





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




pati butterflies na-attract sa cleavage…good luck sa mga wedding plans mo…and sa launching ng book!
[Reply]
halos lahat ng tradisyon sa kasal na sinabi mo ay parang ginawa para hindi na maka-atras o magdalawang isip ang lalaki. Siyempre, kapag nakita ng groom ang bride before wedding, baka umayaw na..same as kapag nakita na parang suman ang bride with the wedding gown. Kaya tinakpan ng belo ang mukha at tinatangal na lang kapag opisyal ng tapos ang ceremony dahil kahit anong hitsura ng babae..wla ng atrasan. Kapag lalaki ang pinalakad mo papuntang altar..baka tumakbo palabas. ‘yong something old and new..pakana lang ‘yon para makatipid-tipid..kaya nga maraming ninong at ninang.. :Very tacky for the couple to ask for cash…beautiful butterfly wedding..i’ve attended one of those here…really fairy tale like. And the cleavage…if you have it, why not ! inggit lang sila. You look great by the way.
[Reply]
Kaya may takip na belo yung bride kasi di maganda yung make-up nya. At least tapos na yung wedding ceremony kapag tinanggal na nya yung belo, di na pwedeng umatras yung groom. Yan kasi, yung mumurahing make-up artist lang ang kinontrata!He he he!
[Reply]
Napaisip ako sa Number 4. Oo nga ano? Hehe. Dati ang balak ko kapag kinasal ako habang naglalakad ‘yung bride ko, kakantahan ko siya with matching choir at the back. Parang ‘yung kasal ni Lea Salonga kaso ‘yung bride ang kumakanta hindi ‘yung groom. Hehe.
As if naman ang galing ko kumanta. At as if naman meron na akong bride-to-be. Ahuhuhu.
[Reply]
dapat ibahin nila ang paniniwala ang naisip ko maglakad sila pareho mula sa bahay papunta sa simbahan tas my banda parang santa cruzan tas diretso sa simbahan ganda d b at least proud ka sa asawa mo.o kaya maglakad ung bride mula house papunta cmbahan tas hintayin nlng ng Groom .wat do u think idol ella?pro ako prepared ko mountain wedding.
[Reply]
Natuwa naman ako sa paru-parooo.
Heniwey.
Sa totoo lang, nagtataka rin ako sa mga pamahiin tungkol sa kasal.
Alam kong bata pa ako para mangarap.
Pero minsan, naisip ko na na pag magpapakasal ako, naka-red na wedding gown ako.
Nyahaha.
Pero matagal-tagal pa yun.
Gudlak gudlak sa kasal.
At sa libro.
~.^
[Reply]
binabasa namin blog mo habang nasa duty
. mga pasaway sa night shift lalo pa’t magkasama.
ganda naman nang kasal talagang nakapag ohhhh kami. at ang cleavage wow! selos kami, wala kasi kaming ganyan
anyway, good luck sa book launching.
[Reply]
I wonder why ang dami talagang kaekekan -hahaha-
“In lieu of gifts, the couple will appreciate cash”.
kulang na lang sabihin POTLUCK NA RIN -HAHA-PAKSYET!!!
Ganda naman ng mga butterflies at ang cleavage grabe naingit ako. I SWEAR!
Malapit na pala book launching mo kaya GOODLUCK MISS ELLA!
[Reply]
Nung wedding ko walang ganito: “something old, something new, something borrowed, something blue…and a silver sixpence in her shoe”
Tapos ung Veil super clear kc ayaw kong itago ang ganda ko at wala akong nilagay na kelangan cash ang regalo. Dingarin ako nagpa money dance e! basta ayaw ko! hehhe!
[Reply]
Shiela and Malejandria,
Sus, dalawa pa kayong pasaway! But it’s so coooool! Nai-imagine ko, na sabay kayong nagbabasa ng blog. Nakakatuwa naman although sabay nga kayong makulit hehe
[Reply]