In labs ba ako?
Aug 22nd, 2008 by ella
Meron akong tanong sa mga girls (puwede na rin ang mga boys). Paki-analisa naman kung inlabs nga talaga si ellababes, plis. Kasi darating na si Merkano less than a month from now. Twenty-six tulog na lang!
A-tapang-a-tao ako, ‘di ba? Bihira ang mga bagay o pangyayaring magpapakabog sa dibdib ko. But why oh why do I feel this way? Kinakabahan ako, sobra waaah
Eto po ang mga di kanais-nais na senyales na ating pag-aaralan:
1. Hindi ko malaman kung excited ako, natatakot, o naiihi lang talaga. Kapag nai-imagine kong katabi ko na siya, feeling ko, nakalunok ako ng sandamukal na paru-paro. Tapos biglang magbo-bolrum dancing sa bituka ko ang mga hinayupak na insekto. Nasusuka tuloy ako bwiset!
2. Oo nga’t nag-date na kami dati, pero kasama namin ang buong opis. And that was eight months ago! Check out pic sa ibaba ng left sidebar. Bagay ba kami? Nagpapanggap pang shy si Ellababes, abusada sa pa-kyut.
3. Never pa kaming nag-”alone together” date, as in harapang landian. Magpapa-kiss ba ako agad o hanggang hugs lang? Ayan naiihi na naman tuloy ako sa nerbyos waaah! Teka lang, baka naman sobrang kilig lang ‘to.
4. At hindi po ako masiyahan sa itsura ko. Baka may makurot na bilbil si lab, mahirap na. Andiyang nag-member ako sa gym. Andoong bumili ng DVD ng Hip Hop Abs. Ehersisyo dito, pilates doon, two hours a day, 3 times a week. Taragis ‘yan, kahapon, gumapang na lang ako paakyat sa hagdan. Parang binugbog ang mga kasu-kasuan ko waaaaah!
5. At take note, nagsimula na akong mag-hoard ng mga mapang-akit na damit at 100 inches na heels. No sneakers, no flip flops, no lousy maong (skinny jeans pwede pa). Panay ang pahid ko ng balde-baldeng lotion sa kamay at binti ko. Baka may mahawakang kalyo si lab, ma-tarn op.
6. Hindi lang ‘yon. This one I have never done in my entire life. Nagpa-diamond peeling ako ng mukha!! Si Ellababes, ang babaeng galit sa byuti parlor, nagpakalkal ng balat? Panginoon ko, ano na ang nangyayari sa akin? Nasapian na yata ako ng maligno!
Bago lahat sa akin ito. Hindi ko pinag-abalahan ng ganito si soulmate. Humaharap ako sa mamang ‘yon kahit gula-gulanit ang pambahay ko at hindi pa ako naliligo. Hindi pa nga ako nagsusuklay minsan eh. Oy teka, ngayon ko lang na-realize ah, baka ‘yun ang dahilan kaya hindi kami nagkatuluyan. Tsk.
Enweis, ayan, naisiwalat ko na sa inyo ang mga kahila-hilakbot na pagbabago sa pagkatao ko. Umiibig na nga ba akong tunay? O malandi lang ako talaga?
Handa na ba akong ibigay ang pangalan ko sa kanya? Teka…teka lang…ako nga pala ang magpapalit ng apelyido. Bakit ganoon? Hindi ba puwedeng siya ang gumamit ng apelyido ko? Hindi ko yata type ‘yon ah. It’s so unfair…hmmmm…

The Gasoline Dude Says:
Naks naman! Na-convince ako na in-lab ka nung mabasa ko Number #6. Hahaha. Diamond Peel! Effort kung effort! *LOLz*
Bakit pupunta sa ‘Merkano sa Pinas? Magpapakasal na ba kayo? O vacation lang siya? By the way, he doesn’t look American in the pic. Parang Mexican. Hehe.
Good luck sa paglalandi. *LOLz* I hope you’re happy, Ellababes.
Ampucha, napasagot akong bigla, Gas dude! Nyahahaha! Hindi nga siya puti no! Hindi naman po sa bigot o racist ako pero palagay ko hindi ako maaakit ng puti (kahit ikot-bra ako kay David Beckham). Ibang-iba kasi sila eh. Basta, hindi lang talaga ako napapa-second look sa Caucasians.
Spanish ang mom niya kaya hawig sa Pinoy ang kaugaliang nakagisnan niya. Catholic pa sila. Pero born and raised sa Merika kaya ayun, medyo iba na rin ang pananaw sa buhay. Pero dugong Latino pa rin, ika nga (sana parang Pinoy din siya… “basta driver- sweet lover” yaaaak!)
Kaya siya pupunta dito eh para hingin ang hugis-kandila at mala-sutla kong mga kamay
kay Tatay. Pero gusto ko next year pa ang kasalan. Bata pa ako noh!
Bakit kaya kamay ang hinihingi? Bakit hindi ‘yung…? LOL
I also wanna spend time with him para mas makilala namin ang isa’t isa. Dito sa teritoryo ko syempre. I’m trying to convince him na sa Pinas kami. ‘Yoko nga tumira sa Merika, di ba? Kaso baka maduwal siya sa kahirapan natin.
Isa pang dahilan, kukunin ko ang sinsing ko sa kanya. Akin yooooon! Ako pumili nun noh! (hehe parang may umaagaw eh no)
At sa totoo lang, nakakasawa na rin ang puro chat at telepono. Gusto ko nang maglambing sa personal (ang landi talaga ni Ella tsk)
Thanks for wishing for my happiness, dude.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




aw! hehhe wala lang
[Reply]
Naks naman! Na-convince ako na in-lab ka nung mabasa ko Number #6. Hahaha. Diamond Peel! Effort kung effort! *LOLz* = P
Bakit pupunta sa ‘Merkano sa Pinas? Magpapakasal na ba kayo? O vacation lang siya? By the way, he doesn’t look American in the pic. Parang Mexican. Hehe.
Good luck sa paglalandi. *LOLz* I hope you’re happy, Ellababes.
[Reply]
i enjoyed ur entry, sobra!! ganyan talaga pag nsa isang LDR, ako dn kasi ganyan eh. sabi nga ng mga friends ko, sumeseksi lng dw ako at gumaganda pag nandito c bf. mgjogging ba nman, crunches at crash diet..hahaha! mgdrop ng 10 lbs in 1week..all in the name of love…IN LOVE KA NA NGA MISS ELLA!!! hehehe… stay beautiful… =)
[Reply]
hahaha! ang landi nga!
tense ka lng ganda, ayaw mo lang mapahiya sa kanya. isama mo kme ng sampu ha! heheh
[Reply]
para kang nagdadalaga ah
grabe ang effort ha lahat gagawin para kay merkano
ingat ka pagdating nya 
[Reply]
Im so sure na sure your inlove my fren.. gudluck! muahh! kwento ka parin after ah!
[Reply]
P.s. weeeeeeeeee ke wafing wafing naman pala ni MErkano! for sure magiging international artista mga bagets nyo!
[Reply]
Ang landi!!! -haha- No doubt in love ka nga Miss ELLA! I hope sya na nga para happy ang love life mo. Can’t help myself smiling ng mabasa ko yung #6. GOodluck sa’yo.
[Reply]
tiis ganda a…walang kaduda-duda inlove ka day!
wafu naman ni fafa mo, kung andito lang yan pinagsamantalahan ko na e.
[Reply]
ms ella, ang masasabi ko lang - ang landi mo sa picture haha…akala ko tuloy naka-photoshop
[Reply]
low! napadaan lang po!
nwei, uh..CHEGURO inlabs kah nga..nyehe!
ganda mo po!
[Reply]
sin duda….inlab ka!
he’s a very lucky guy!!!!
[Reply]
ayan, nakita ko rin ang picture..you are so in love my dear! you look so happy kahit hindi ka nakatingin sa camera..
[Reply]
@maxi:
Ei Maxi! wazzup dear? Miss your comments
@Gas dude
Oist kehaba ng sagot ko sa ‘yo lab.
@november rain
I know, dear. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig hehe. Matitiis hindi kumain ng cheesecake masunod ka lamang. Sumasariwa ang byuti natin pag darating na ang bf. Pag-alis, bilasa na naman lolz
@binx
Naku sinabi mo pa, binx! Seksi kasi ako sa pics eh. Sa personal, nakakadismaya! Putagenic baga nyahaha
@Shiela
Siya kamo ang mag-ingat sa akin LOLZ
@Tikey
Bagay ba, ha, bagay ba? Hampucha, Tikey maypren, baka siya ang hindi bagay sa akin ah haha!
[Reply]
@Jetty
Haay, Jetty, schedule ko ngang magpa-rebond ng hair ngayong weekend. Susmarya talagang na-possess na nga yata ako … ng pag-ibig yuuuck
@Katrina
Ang cuuuuute ng dimples niya, Kat! Sarap kurutin hehe Pucha kinikilig na naman si Ella, bwiset!
@Mistiquo
Oist, original na malandi po ang byuti ko noh! At saka wala akong putoshap, ang mahal eh harhar
@Carl
Uy tenk yu Carl. Ika-isanlibo ka na sa nagsabing maganda ako, malapit na akong maniwala. Kapal na naman si Ellababes hehe
@Maria
Naku baka kamo makunsumi sa kakulitan ko, hindi na ako balikan waaaah!
@Emily
haaaayz sana siya na nga.
Hehe Halata ba, dear? Malambing kasi siya eh. Ang sweet pa masyado
[Reply]
Malamang ellababes ang sagot ay Oo. Sa totoo lang ganito rin pakiramdam ko at di ako sigurado. Love your blog.
[Reply]