Lost In (PMS)Translation
Mar 18th, 2008 by ella
Minsan kahit na gaano katamis at nakaka-diabetes ang pagmamahalan, nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan. Lalo na kapag nag-PMS si babae. Hay naku, wala kayong pantapat dito, boys, ‘wag nang umapila.
As I told you, sa prep pa lang ng engagement party, nagkakaroon na ako ng anxiety attack. Nahalata yata ni Merkano, lagi ko tuloy naririnig ito sa kanya…”hey, baby, don’t freak out, ok? You know I’ll do anything for you”.
One day, hindi lang anxiety attack and inabot ko. Lumabas din ang paranoia ko. In Tagalog, umatake ang tamang-hinala ni Ella.
I was having a bad day sa office. As in binabato ako secretly ng paper cups ng mga kaaway ko. May laman pang konting tubig ito, ha. Kunwari pinapa-shoot sa basurahan, pero sablay daw kaya sa akin tumatama. It’s weird, I know, but that’s another story.
Kasabay noon, kinukulit din siya ng isang co-worker niya about some techie shit. It was definitely the wrong time to discuss commitment issues. Eh kaso ang kulit ko, ayan tuloy, nag-away kami. Ooops inaway ko pala siya
Ellababe: (medyo excited muna) Hey, love, are you ready for our May thing?
Merkano: Of course, baby. But let me tell you this….
Ellababe: (nagsimula nang mag-assume ng hindi maganda) Ok, what is it?
Merkano: To be honest, I’m a bit nervous but it’s normal. And so, it’s definitely a go for May.
Ellababe: (biglang nag-freak out) What? What do you mean by nervous? Are you backing out on me?
Merkano: (kinukulit ng ka-opisina niya) Wait, I’ll be there in a sec!
Merkano: (sa akin ulit) No, no, baby! I mean like butterflies in my tummy nervous. It’s actually a good thing.
Ellababe: (nag-drama na nang husto) No, I know it! You’re gonna abandon me. I know it! You’re gonna flake out on me.
Merkano: (biglang nalito) Baby, nooo! What the heck is going on?
By this time, nasa peak na ang aking PMSing. Daig pa niya ang na-sentensiyahan ng bitay.
Ellababe: Why are you doing this to me?? I mean if you need time, all you have to do is tell me! I can’t have you backing out the last minute when everything is set! All my relatives and friends will be there. (Tinagalog ko na siya) Ano ‘to? Parang runaway groom? Iiwan mo akong nakatunganga at nilalangaw doon? That’s messed up!
Merkano: Baby, I think we’re having a miscommunication. I love you, okay? And that’s all you need to know. Just you and me, babe, always.
Ellababe: (pasigaw na) I don’t need you telling me that you love me! I need you to be there for me!
Merkano: (litong-lito na) Wait baby… what’s going on? I’m lost.. I just told you that its a GO for May and that I love you…I don’t understand.
Ellababe: (parang walang naririnig) FINE! That’s what you want?? I’ll give you all the time in the world! Hmf! I can’t believe you’re doing this to me!
Merkano: Baby, wait… stop it! Are you having your girly thing? Calm down, relax baby… I love you..
Ellababe: (wala nang pag-asa) What?? Calm down? Relax? Are you saying that I’m being a bitch??? How dare you!
Merkano: Am I digging my own grave here? What’s going on, baby? Tell me what’s going on. Baby, you want to go for a walk and cool down a bit?
Ellababe: (completely lost it) What? go for a walk??? Don’t you freakin walk out on me!
Merkano: (sobrang pagkalito na) Ah…ah…ermm…
Ellababe: (feeling victim at api) I can’t handle this shit! I wanna go home now! I can’t focus…
(voice sa background - Will, we need you ASAP!)
Ellababe: (pang-teleserye na ang drama) Just go William, I need to think about a lot of things, anyway.
Merkano: (naiiyak na yata) Baby, please.. what just happened?
Ellababe: (pang-certified drama queen pa) NO! I want to go home now! ( Biglang binaba ang phone)
Sunod-sunod na YM messages at missed calls mula kay Merkano. As in scroll down mode na siya sa sobrang dami. Nag-iinarte pa rin ang byuti ko. Hindi ako sumasagot.
Merkano: Baby, are you there? I think we’re both having a really bad day but keep in mind that I really love you and nothing can change that
Merkano: BUZZ
Merkano: Baby, please answer me.
Merkano: BUZZ
Merkano: Baby, just to be clear: We are ON for May and that’s final. No backing out. I love you so much.
Merkano: Hello Baby, please answer me. BUZZ
Paggising ko kinabukasan, bigla akong natauhan. Kinabahan ako, guys. Napasobra yata ang dramatics ko. Pesteng PMS ‘to! Inabangan ko ang tawag niya. Eh ang tagal! Nabwisit na yata sa akin waaaah! Maya-maya, nag-ring na rin ang cell phone ko.
Merkano: Baby, how was your weekend? Look, I’m really sorry about what happened on Friday. I shouldn’t have let work come between us.
Ellababe: ( sa sarili ko lang ‘to) Huh?? What? Work? Whew! Buti na lang siya ang nag sorry. Akala niya siya ang may kasalanan hehe
Ellababe: It’s okay love, it was a bad day for both of us. Know what, I got really scared… I thought I lost you.
Merkano: I will love you forever, Ella, nothing and no one can change that and I won’t allow us to break up ever. You’re stuck with me, you ain’t got a choice no more.
Ellababe: Please don’t give up on me, love. Ever.
Merkano: Baby, whatever happens, you will never get rid of me. I’m forever yours and yours alone. You are my Bratty Princess (his term of endearment for me, fyi), don’t ever forget. I will show you the rest of my life how much I love you.
Sabay isang milyong text na “Baby, I’m crazy in love with you”.
Aaaaaaaaaaaaw!! Kinilig na naman si Ellababe! Diabetic na kami pareho ngayon sa sobrang tamis
At nilalanggam pa ang mga laptops hehe





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




LOL, ang saya, hahaha. Pero I wouldn’t wish it on my worst enemy. Hehehe.
Sana ako din, makahanap ako ng gagawa nyan sakin, tapos ako din yung hahabol. Haaayyyy, holy week na pero valentine’s pa rin dito.
[Reply]
Ano ba yan ella, gusto kitang kurutin sa singit. Pigilan mo yang pag-iinarti mo ha sige ka baka matutong mag soul searching yang si William, ikaw rin.
[Reply]
hahaha tumigil ka na, ella ha. i-email mo sa kanya ‘yung video ng PMS hahaha
[Reply]
pag may PMS
ella = evil
at least pagnahimasmasan
ella = angel
since
ella = ella
thus
angel = evil ?!?
therefore Girl na may PMS = Magulong Equation…
nyaha!
[Reply]
parang script lang at scene sa telenovela ah! hahaha. taglish nga lang. hahaha! o kaya para akong nanunuod ng mexican telenovela… na may subtitles! wahaha. miss you elladear!
[Reply]
Shakes dear,
naku oo nga grabe, dapat magtika na tayo eh, ano ba yan!!!
[Reply]
Wahahahaha, ang lakas ng tawa ko dun Malou! ‘Yun ang unang tinanong ko sa kanya sa totoo lang. Nakapag-soul search na raw siya nung 24 siya LOL Uso pala talaga yun sa mga lalaki grabe
[Reply]
Des darleng,
naku ano ka, talagang ibinigay ko sa kanya yung link hahaha may ideya na raw siya kasi may dalawang kapatid siyang babae. Only boy siya . Wawa naman.
[Reply]
Gerrycho dear,
Naku sa totoo lang, napaka-sabog ko pag may PMS ako, sobra. Talagang isinumpa yata ni God ang mga babae. Nababaliw buwan-buwan. WEIRD!
[Reply]
Lam mo ang hirap ng ganyan. Anjan sya sa harap mo, nakakausap mo, naririnig ang boses pero dimo magawang hawakan o halikan man lang. hanggang flying kiss lang… waaaaaa.. pero Comes May.. yuhuuuuuu…
[Reply]
waaa…buti hindi ka binuhusan ng malamig na tubig ni Merkano..at least..may preview na siya ng PMS mo… hindi na maninibago later..
[Reply]
Ang chweet…
[Reply]
Tikey,
oo nga hehehe hmmmm….nag-iimagine ako
[Reply]
Emily,
Wawa naman ang mama, no? Tinandaan nga niya ang date eh hahaha! Baka maga-abroad na lang siya every month hehe
[Reply]
Myles,
hay naku darleng, pucha kinakabahan nga ako eh. Baka hindi imported helmet niya mauntog bigla LOL
[Reply]
Naku, ang mga girls, kapag may PMS talaga, sobra sa hormones! Haha. Grabe naman ang mga mensaheng nabasa ko naman.. napaka-sweet!
[Reply]
Super naman si merkano mo ang sweet. Nung nagbasa ako feeling ko pati ako nilalanggam, wala pa namang langgam dito ;~)
[Reply]