The highest cabinet member
Jul 3rd, 2010 by ella
Narinig ‘nyo rin ang inaugural speech ng ating bagong pangulo, I’m sure. I was totally wowed. It was mostly in Tagalog, hindi pormal bagkus deretsong pakikipag-usap sa tao, maikli, maliwanag, at higit sa lahat, siya mismo ang sumulat. Damang-dama ko ang mga sinabi niya. Medyo nangilid pa ang luha ko.
-
“To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito.”
….Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay-linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon. Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.”
“…sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.”
Kapag naipatupad niya ‘yon, samba na talaga ako sa kanya.
Isa pang sinabi niyang napangiti ako nang todo:
-
“Walang lamangan, walang padrino, at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong.”
Salamat naman at wala ng wang-wang,. Talaga namang maiinis ka sa mga opisyales na feeling “tanging anak ng Diyos” sa daan. Para bagang sila si Moses na hinahawi ang dagat ng mga sasakyan sa pamamagitan ng wang-wang. Kung totoo ang pangako niya, he’ll be the coolest prez ever.
Pati ang nabuong cabinet niya ay parang clean-up crew. The members are capable, competent, and with untainted reputations (so far).
Pero hindi pa ina-announce o hindi pa nakukunan ng pektyur ang secret weapon, the highest cabinet member. He is honest, loyal, he’ll defend his boss with his life. He is obedient, all work, no talk. He is silent but deadly. Those who are corrupt to the bone, be warned…




Ang kulit kasi. Ayan, ipinasok tuloy sa cabinet…mataas na cabinet. Na-trauma tuloy si Zy hehe





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




hahaha….ang kyut tlaga ni zy
[Reply]
Napatawa mo ako, Ate Ella.
Kanina pa ako nag-iisip, habang binabasa ko ‘yung post mo, kung meron ba talagang “highest” cabinet member. Muntik ko pang gamitan ng Google. Haha, si Zy lang pala. Cuuute.
Pero bakit parang walang laman ang cabinet?
[Reply]
pag na appoint si Zy, i practice mo na sya “please raise your right paw” para sa turn over ceremony
[Reply]
Hahahaha! Seryosong-seryoso pa naman ako sa pagbabasa. Bakit naman napunta dyan si Zy?
@Ahia Jiken: Kumusta na?
[Reply]
Ayos!!!!…………. APIR!!!!!! pero di ako sang ayon na naipwesto si Romulo, yun lang! ay teka meron pa pala yung pag mumulan ng sisi at ng usaping nepotismo sa gobyerno….. walang iba kundi ang mag amang Abad…
[Reply]
He he he….salbahe!!!
[Reply]
After no more wang-wang comes electronic time-of-day zoned toll fees a la Singapore. Those who want smooth traffic can then subsidize convenient and clean public transport. Then we won’t even need those famous Fernando U-turns!
[Reply]
paano napunta sa Zy sa kabinet?
[Reply]
Si Zy talaga kahit kinakabahan mukha pa ring nakangiti.
[Reply]
akala ko kung sino..ang favorite dog mo pala..kagaya ng opinyon ng iba hindi ako sang ayon na si chief hilario davide ang mamumuno sa truth commission..
[Reply]