Tag from Ann…once upon a happier time
Mar 1st, 2010 by ella
Ten things I would never do
….pramis….peks man (ano kaya ang ibig sabihin ng “peks”?)
10. Do cartwheels
…..nang hindi red or black lace ang suot kong panties. Of course naka-mini ako kung may balak man akong mag-cartwheel. Anong kwenta ng ganitong gawain kung hindi akma ang get-up?
9. Dumura sa daan! -
This is the rudest, the crudest and the most yucky thing anybody can do! Naalala ko ang isang irog potential ko. Ang pogi, matangkad at mabait. Noong minsang namamasyal kami sa park, balak ko nang ibigay ang binukayo kong “oo” kahi’t wala naman siyang tinatanong. Holding hands pa mandin kami sabay biglang dumura sa daan ang ungas!! Eeeeew!! Kinilig ako sa pandidiri na muntik ko nang maging boypren si spitting Joe, shet!
8. Magsuot ng stockings ![]()
—o pantyhose o sheer nylons na kasing-kulay ng balat ko! Yaaaak! Why oh why?? Para saan ‘yon? Magsusuot ako ng black stockings na may tattoo anytime (this is so cute!) and I adore fishnet stockings (marami ako nito) pero ‘wag namang flesh colored! Parang lola ko, eh.
7. Magsuot ng socks as in puting medyas sa open back and open toed sandals -
Pliiis! Plis lang, this is the worst fashion faux pas! There was a time na nauso ang ganitong kalokohan dito sa atin. That was the dark age of fashion. Wearing sandals is next to being barefoot. If you cannot do without your medyas, don’t wear sandals. Kung 4 years old kayo, puwede pa. ‘Wag din pong mag-medyas sa sneakers, my goodness.
6. Magsigarilyo - Ika nga nila, kung may kagalit ka, turuan mong manigarilyo. Baka masama ang sigarilyo kaya ganoon, ‘di ba? Nakakakulubot ng mukha, nakakatanda, nakakapangit, nakakabaho ng hininga, at higit sa lahat, nakakamatay. Pero kung ganito ang korte ng dahon? Well…interesting poison…
5. Mag-sing along sa karaoke -
Naku, sorry po sa mahihilig kumanta at doon sa may magic sing, pero hindi pa ipinanganganak ang magpapakanta sa akin na emote na emote (may papikit-pikit pa) habang nagbabasa ng lyrics sa TV (na laging may babaeng naka-bikini). Hindi ko naman nilalait ang favorite after-office at party activity na ito ng mga Pinoy, but….mmm…, sabihin na lang po nating tone-deaf ako. At kapag mahilig mag-karaoke ang manliligaw sa akin, I might think twice. Baka piliin ko na lang si spitting Joe. Sorry po ulit.
4. Magmaneho ng nakainom - Maglalakad na lang ako o kaya magta-taxi kung lasing ako. May tito akong maagang namatay dahil sa driving under the influence. Nabangga siya dahil nagmaneho siya after drinking. Ang malungkot may nadamay pang iba.
3. Ang sumakay (ulit) sa extreme rides sa Six Flags - Nakakahiya! Nasuka ako…literally, as in inilabas ko ang lunch ko. Akala ko kamatayan ko na eh.
2. Ang magpautang o utangan ang kaibigan ko - hindi po ito joke. Naniniwala ako sa kasabihang sa magkaibigan, “never a lender or a borrower be”. Maraming magkakaibigan ang nagkakasira kapag may hiraman na ng perang nangyari. Bigyan na lang, ‘wag nang pautangin.
1. Ang i-reveal ang secret identity ko bilang Catwoman. Oooops…huli na pala ang lahat. Pinag-tripan na nga pala ako ni Cabral at ng NBI. Haaaay. Talk about party poopers.






Puto-kutsinta ni Bae Osiang




so so so hot and sexy ni ella catwoman ah i like it…i like the idea of spitting joe kakaturn off naman talagah, whether your a guy or a girl
[Reply]
spitting joe hanep klasik to miss ella pero sa isang punto din maganda yung nangyari between you and DOH secs kasi kung hindi eh di di namin nasilayan ang iyong ganda
, but seriously ok na din sana yung pagkakaroon ng secret identity sa net kasi nakakadagdag ito ng thrill saka ng curiosity sa mga mamabsa mo na gaya ko. well tama ka ate ella party pooper talaga yang BFF mo rofl….
note: ano kaya itsura ng girl na naka micro mini na nag ka cart wheel(Yung live not in picture)…. hmmm…. cant wait to see one lol.
PS: at nang dahil dito sa top 10 mo, nag iisip na akong tumigil mag yosi. (Sana nga lang ay di puro pag iisip at talagang matigilan ko na ang yosi… teka papatayin ko na tong sigarilyo ko at baka hangang dyan ay umabot ang usok …. sorry)
[Reply]
Wow! Bongga! Ang ganda ni cat woman ah. ;D And yayks for the dumudurang person sa daan. Eh khit friend ko pa sya at dumura sya sa daan eh tlgang iiwan koh sya lolz. Nice post girl. ;D
Solo
http://www.solofoodtrip.com Travel and Living
http://www.jobhuntpinoy.com Job Hunter
[Reply]
ikaw ang pinakamagandang cat woman na nakita ko..hehe..
[Reply]