Fish balls 101
Feb 25th, 2010 by ella
Yeah, I know, hindi ko na kayo kailangang turuan. Hindi dugong-Pinoy ang nananalaytay sa ugat ng sinumang hindi marunong kumain ng fish balls. Ito ang true test ng Pinoy-ness ng isang taong kulay brown ang balat.
Wait…wait lang. May naisip ako. Para malaman natin kung tunay na pisanteng Pinoy nga ang mga presidentiables natin, pakainin natin sila ng street fuds! Yey!
Anong deba-debate? Papilahin silang lahat at handaan ng isaw, itlog ng dragon, betamax, balun-balunan, adidas, kwek-kwek. Kung sino man ang mag-eeew o mag-yaaak, huwag nating iboto hehe.
Hey, ‘yan ang meryendang Pinoy. Hindi creme brulee, blueberry cheesecake o Estrel’s caramel cake…which is akshuli totally yummylicious! Mmmm…

Girls, tiyaking seksi ang suot ninyong damit katulad ng nasa larawan para malito ang mamang fish balls sa pagbibilang ng tinutusok ninyo sa kawali. Pucha dadayain pa yung mama eh. Bihira lang ang fish balls na dumadaan sa harap ng bahay namin kaya nagkagulo ang byuti ko hehe.

Tuhugin ang mga fish balls. Isiksik na maigi. Gamitin ang contraption sa gilid ng kawali para maisaksak na mabuti sa kapirasong bbq stick ang sampung fish balls. Btw, ‘yoko ng kikiam at squid balls.

Pumili ng sawsawan. Diyan nakasalalay ang sarap ng bola-bolang isda. Gusto ko ‘yung maanghang. Uy may sa malamig pa!

Ilubog ang fish balls sa napiling sawsawan. Ibabad sandali at ikut-ikutin ang stick para matiyak na nasipsip ang sauce. Ipagpag ang sobrang sauce para hindi matuluan ang seksi dress ninyo. Enjoy!

Ito naman ang litmus test ng mga presidentiables natin. Kung sino man ang makakain lahat nito nang hindi ngumingiwi o nasuka, siya ang dapat mamuno sa bansang Pinoy hehe
Note: Salamat ulit ng marami kay Ka Polo sa pektyur ng street fuds.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




wow sarap naman niyan tagal ko ng di nakakakain ng fishball wala kasing naglalako sa lugar namin namimiss ko na sila….by the way ate so sexy ng suot mo ah kaya nainlove si pixelheart sayo eh..
[Reply]
ella Reply:
February 26th, 2010 at 1:27 pm
Harcy,
May pupuntahan kasi ako. Paglabas ko, may nagdaang fishballs. Pucha nagtatakbo pa ako para habulin siya kasi nakalampas na sa amin.
Nagtitili pa ako, “Mamang fishballs, bumalik kayoooo! Mamang fish boooools!”
O di vah, nawalan ako ng poise haha!
[Reply]
FISHBALL!! I want to eat that today. Iba ang fishball talaga sa atin. Naku Ella..next summer, talagang uuwi ako.
[Reply]
ella Reply:
February 26th, 2010 at 1:32 pm
Ei Emily,
You mean summer of this year o next year? Oist kailangang paghandaan ko ‘yan. Kung hindi pa ako nakakulong nyahaha!
Email mo lang ako ha?
[Reply]
emily Reply:
February 26th, 2010 at 2:26 pm
Next year pa. I will let you know this time kung uuwi ako.
[Reply]
natawa naman ako sa sinabi mo na magsuot ng sexy para malito sa pagbibilang yung nagtitinda…bwahahaha!!! kwela ka talaga ellabeybe
pero miss ko na rin fishball dyan sa atin 
[Reply]
ella Reply:
February 26th, 2010 at 1:17 pm
Kat,
Ito ang original pic na kasama ang mamang fish balls. See, hindi naman siya sa kawali nakatingin eh LOLz. Ganda pa ng smile ‘nya, di ba? hehe
[Reply]
katrina Reply:
February 26th, 2010 at 11:19 pm
me halong halay ang ngiti at sulyap ateng! sa ibang bilog nakatingin
[Reply]
May masarap akong natikman sa Divisoria. IUD (bituka ng manok). na nababalutan ng harina sabay deep fry…yummy! Mas masarap kaysa sa inihaw na IUD.
[Reply]
ella Reply:
February 26th, 2010 at 1:45 pm
Ariel,
Alam mo, feeling ko masarap nga ang deep fried niyan. Malutong siguro. Hindi ako kumakain ng IUD pero matakaw naman ako sa itlog ng dragon at kwek kwek. Nahihilo na nga ako sa dami ng kinakain ko minsan
P.S. Sa kalye rin ba nakapuwesto yung fried IUD?
[Reply]
ariel Reply:
February 27th, 2010 at 11:51 am
Yap, sa kalye siya nakapwesto. Masarap siya, promise.
[Reply]
harcy Reply:
February 27th, 2010 at 10:27 pm
ate at kuya ariel ask lang ano yung itlog ng dragon? siguro may nakain na ko na ganun pero di ko lang alam…
Yan namimiss ko sa Pinas! Fishballs and balut! Your post made me count my vacation leave and plan on taking a vacation Ella!
[Reply]
masarap ang fishball..mura pa..
[Reply]
aba! kalain mo yan.. pagbukas ko ng blog mo, fishballs ang bumungad saken!.. ano naman nakakagulat?.. eh kasi pagload ng page mo, kasabay din ng pagsubo ko ng fishball!.. pinabili ko lang.. kasi walang dumadaan dito samen.. pero mas masarap pa rin yung ikaw mismo tutusok at sasawsaw.. haaayst!.. kainggit!..
[Reply]
miss ko na rin yan pero nung last visit namin sa Pinas kumain talaga ako ng kwek kwek sa susunod na uwi yung fish ball naman
[Reply]
dati adik kme ng bestfriend ko sa kwek-kwek. isang hapon tig20 kme, by dinner hilong-hilo kme pareho. di nako umulit pagkatapos nun!
hinay lang ate ella sa pagkain baka sumakit ang tyan!
[Reply]
when i was on my college days every uwi ko for sem. break pinapatinda ako nang lola ko nito for my allowance for next semester. buti na lang i worked so hard kung hindi baka nandun pa ako sa amin at nagtitinda pa rin nang barbeque
you realy rock ella girl. pati si mamang magtitinda nabighani sa beauty mo
at super duper sexy mo ngayon ha.
[Reply]
kung ako si manong tindero, me libreng pishbol si nene, maka kiss lang ako ng isa! hahahaha. biruin mo ba naman, sa ganda ng bumibili, minsan ka lang makakakita ng ganyan, hihingian ko na ng kiss! hahaha.
san ba yang sa inyo, nene. makapagtinda nga dyan sa inyo at maka tambay. mukang sayo pa lang, ubos na paninda eh. tutubo na agad ako!
miss you nene!
[Reply]
Nagutom tuloy ako. Miss ko na isaw sa peyups!
[Reply]
ahm…curious lang ella, anu yun itlog ng dragon????hhhmmm…..
[Reply]