Sino ang iboboto ko?
Feb 22nd, 2010 by ella
- Eeny, meeny, miny, moe
My mother told me to pick the best one,
Not because you’re dirty,
Not because you’re clean,
Wala na kasing ibang pagpipilian!
May kumakalat na patawa sa email tungkol sa presidentiables. Pero kung ipo-post ko ‘yon na kasama pa ang mga letrato, baka demanda ulit ang abutin ko. This time, hindi imposibleng makatanggap na rin ng subpoena ang aso ko LOz. Hmm…akshuli, hindi ito nakakatawa.
Believe it or not, guys, the way I got the ’swine’ flu crawling all over my pretty ass so fast (and furious) after the DSWD post, you’d think Blog ni Ella is a coundown for world destruction! O serial killer ako. Sinungaling ako kapag hindi ko inamin na nakakatakot talaga siya.
Heniwey, the email I’m talking about is entitled “Presidentiable Quotable Quotes”. May pektyurs ng presidentiables at may captions syempre. Ilalagay ko rito ang text sa captions, bahala na kayong isipin kung sino ang bagay na kandidato. Henjoy…kung hindi ‘nyo pa natatanggap ang email na ‘to.
- “Hindi ako magnanakaw”
- “Hindi ko kelangang magnakaw”
- “Bawal magnakaw, nakamamatay”
- “Hindi ako nagnakaw”
- “Kelangan ko ulit magnakaw”
- “Wala na kayong mananakaw! (with matching bwahaha)
Disclaimer: Hindi po ako ang author nito, ha. Sus, mahirap na, noh.
Eto naman ang aking mga opinyones tungkol sa presidentiables. Simulan natin sa mga medyo nahuhuli sa survey.
Eddie Villanueva - Eto na naman siya. Natalo na siya dati eh. Lessons should have been learned here. Hindi siguro dapat ginagamit ang religion sa political ambitions.
Jamby Madrigal - mahilig siya ngayong maglabas ng mga expose pero sana noon pa, di ba? Plan ahead kasi, ma’am. Nagtampo pa sa inyo si Juday. Sayang.
Dick Gordon - Well, sa qualifications ok siya. Pero dahil matagal na siyang member ng administration party which is not really popular right now, mahihirapan siyang umakyat sa polls.
Gibo Teodoro - Pinaka-okey sa akin si Gibo. He is the most qualified, matalino, malinis ang record at higit sa lahat pogi hehe. But…and here’s the BIG BUT. He is the administration’s official candidate. Like Gordon, para na rin siyang nabahiran ng sumpa. Para bagang may sapi ng duwendeng may nunal sa mukha LOL
Ooops, careful, Ella, one demanda is enough, gurl. Magpa-exorcise muna kaya kayo, Mang Gibo? He was endorsed by Cabral and I read that Gibo will keep her in his cabinet. Cute.
Joseph Estrada - Medyo popular pa rin si Erap. Just like the movie Paranormal Activies, strange things, though unexplained, do happen.
Manny Villar - I could think of “millions” of reasons kung bakit hindi ko siya type. One, binabangungot na ako sa kanya waaah! kahit saan ako magpunta, saan man ako lumingon, ano mang social media sa internet ang puntahan ko, nandoon ang mukha niya! Ang laki-laki pa sa billboards aaargh!
Kagabi, imbes na si Boo ang napanaginip ko, sumingit bigla si Villar bilang groom sa wedding dream ko, putah! Parang surot na kagat nang kagat sa balintataw ko, ano ba ‘yan! Nasusuka na po ako, please, maawa na kayo huhuhu
At huwag nang pumapel na pisante kayo dati (pisante-peasant). Lalong nakakainis. Endorser ‘nyo pa Revillame. Lalo akong na-bwiseeet! Oh well, isang boses lang naman ako. Who cares.
Noynoy Aquino - Of all the candidates, he comes closest to the image of a Juan de la Cruz. Very ordinary, not too brilliant, not too rich, not too good looking. He never salivated for the presidency. Hindi niya naging ambisyong maging pangulo.
He was brought up to be a morally upright citizen by his mom. Malinis naman ang record niya. If only to keep the name of his father and mother untarnished, I believe he will be an honest president. And it’s been quite a while since we had one.
Disclaimer ulit: Kapag ginamit itong katibayan sa kaso ko na binayaran ako ng kung sinong Ponsyo Pilato to say good things about Noynoy, be warned. I will totally laugh my ass off while rolling on the floor like crazy. And if I die laughing, I blame you.
Addendum:
Para sa mga nalilito, Gailsky gave us a link to check out. Thanks, Gailsky.
Erratum: de Quiroz is not the author of the article as previously stated.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




Why Noynoy? here’s why… http://www.thepoc.net/commentaries/4042-why-noynoy-aquino.html
Di man tayo makakaasa na uunlad ng husto ang Pilipinas sa pamumuno nya, makakaasa naman tayo na hindi sya kurakot gaya ng iba. Maybe I’ve been reading too much Conrado de Quiros lately kaya naconvince na ako na Noynoy na talaga.
[Reply]
ella Reply:
February 23rd, 2010 at 5:46 am
Gailsky,
Yes, Gailsky. The article is right. Noynoy is very human. Walang political face na inihaharap sa publiko. He has integrity and character. Walang mahalukay na baho ang mga kalaban niya.
It’s very, very rare na may maligaw na kandidato sa ating political arena in whose hands I will trust my future and the future of my children. I have pined for another Magsaysay for too long.
Hindi natin kailangan ang genius na leader. Ang sobrang katalinuhan ay ginagamit lang sa pansariling pag-unlad. Philippine history should have taught us that.
Ika nga ni Lolo Hugo, kung ang hari ay baluktot (modern meaning kurakot), ang mga basalyos pa kaya? (basalyos, meaning underlings).
We, the Filipino people, will always deserve the leader we get. Tayo ang maglalagay sa kanya sa kinauupuan niya.
[Reply]
ooopps.. ella dear, hindi si CdQ ang nagsulat nun, it’s Cocoy.. sorry sorry sorry for the confusion.
binasa ko ulit yun comment ko, and nakaka confuse nga.
[Reply]
ella Reply:
February 23rd, 2010 at 3:05 pm
Hi Gailsky,
Sinong Cocoy? It’s fine, don’t worry about it, dear. I’ll correct it.
[Reply]
Pero ang nakakalungkot pa ring isipin ay bakit parang napapaniwala na ang iba sa ating mga kababayan ng isang kandidato na obyus na obyus at lantara’t garapalan na pag gasta ng napakalaki para sa pangangampanya pa lang ay sya pa ring naungos sa isipan ng mga ito lalo na yung mga masa (d & e kabayans). ayaw ko namang isipin na ang nag iisip ay ang kanilang mga sikmura para maibsan lang ng madalian ang kanilang gutom.
tsk tsk tsk…. tapos ang masakit pa nito ay sinakyan pa ng isang nag eendorso sa kanya (isang sikat “daw” na noontime show host) ang kanyang pagiging mahirap o should i say nangaling sa hirap (according sa kandidato) kung kaya daw napakalapit ng kanyang puso sa mga ito…… hmm… pano na yan kapag ito ngang kandidatong ito ang nanalo? di ba kaya inisip ng mga kabayan (d & e o masa) natin na sigurado o pihado na babawiin nya itong kanyang nagastos pag sya na luklok na sa mataas na posisyon ng ating bayan? Wag naman po sana Lord
Hay nako onli in da Pilipins. Naway magising sana ang mga kababayan natin sa katotohanan.
(pasensya na po at napahaba yata he he he….)
[Reply]
ella Reply:
February 26th, 2010 at 5:21 am
Isko,
Exactly! Natutulog ba sa pansitan ang Comelec? Hindi ba dapat may limitasyon ang pagtatapon ng milyones para sa kampanya? That’s a LOTTA MILLIONS of campaign money!
Hindi pantay ang laban eh. Kung sa Merika ‘yan, huli na ‘yan hehe. Kaso Pilipinas ‘to eh. And what about those endorsers?
Ilang milyong dahilan kaya para iharang sa madla ang mukha at pangalan nila? ‘Yung idol ko dati, hindi ko na idol ngayon. Nagpabayad para i-endorso lang si Villar. Nakaka-disappoint!
Pero sa totoo lang, Isko, hindi ba tayo mage-endorse din kung silawin tayo ng milyones na hindi pa natin nasisilayan sa buong buhay natin? Siguro papayag tayo hehehe
Eh ang kaso may kuwarta rin ang mga endorsers na ‘to eh. Baka NANGHINAYANG? Laman-tiyan din nga naman LOL
[Reply]
para sa akin, ok lang na gumastos ng malaki to win the presidency. At least we know na talagang gumastos sya. Kung ang worries n’yo ay babawiin ang mga nagastos nya pag naging Presidente na, understandable kasi namuhunan sya. Any sane people will do the same. Tanggap ko yun kasi nga pera nya yun na ginastos para manalo!
Ang ikinatatakot ko ay kung ang manalo ay hindi man lang namuhunan or kaya naman maliit lang ang nagastos pero once na naging presidente, mas malaki pa ang babawiin kaysa nagastos, nag-tubong lugaw pa! Mas masakit tanggapin yun!
I can accept if I get fooled by someone who uses his money to gain executive powers and priveleges and get back all that money he spent. What I can not accept is being fooled by someone na laway lang ang puhunan!
Basta ang masasabi ko lang…kay GIBO walang BIGO!….kay Manny, laging may MONEY….kay NOYNOY, may Kris, may Boy Abunda pa! hahahha
[Reply]
ella Reply:
February 27th, 2010 at 12:39 am
Hi Gerry,
Hehe Nakakatawa ‘yung huling linya.
[Reply]
If you can’t trust the Judicial System, what makes you think you’re free from being explored by its devilish (
) actions.
) than be locked up without valid reasons.
People placed in darkness can’t see in front of them; it’s better to remain smilin’ and pretend without wisdom (
[Reply]
ella Reply:
February 27th, 2010 at 1:22 am
Hi Victor,
Well said, truly-spoken. Our judicial system I still trust. But the method used for arriving at conclusions leaves much to be desired. OMG is an understatement. And when all is said and done, I believe, the fullness of the truth must come out.
…or I should just treat myself to a well-deserved vacation hehe
[Reply]
In case you’re still undecided or want to know what your candidate stands for.. listen to GMA’s DZBB Podcast…
GMA Network’s flagship AM Radio Station DZBB launches Ikaw Na Ba?… The Presidential Interview beginning Friday, February 19. The interview goes on air Mondays to Fridays from 8AM to 9AM, Philippine time.
http://www.gmanews.tv/story/184154/download-podcasts-mike-enriquez-interviews-the-presidential-hopefuls-on-dzbb
BTW Last March 2…Podcast feat. Sen. Gordon…
Download Link: http://www.megaupload.com/?d=3JLYVM4L
“What this Country needs is not a change OF men but a change IN men”…RG
That is what we need for a leader.. A leader who believes in his people.
[Reply]