I’ll take this sitting down!
Feb 20th, 2010 by ella
Of course, dapat lang! Baka kasi masubasob ako sa TV o kaya sa mini bar kapag umaandar na siya hehe
Got this from my email inbox. Thanks, Ruth.
The Jeepney Limo
Alam nating lahat na ang orihinal na mga jeep o jeepney ay na-salvage natin sa mga surplus jeeps na naiwan ng mga Merkano after WWII. Ginawa siyang pang-hanapbuhay. Pambiyahe ng mga pasahero mula sa kung saang lupalop papunta sa iba’t-ibang lupalop.
Dahil likas na maka-sining ang mga Pinoy, nag-evolve ang mga pampasaherong dyipni into art pieces in motion. Para silang mga canvass na gawa sa lata at korteng umm…aah…jeep.
Pagandahan ng drowing, paramihan ng borloloy, pa-baduyan ng mga stickers. My faves are “basta driver, sweet lover” and the classic “God knows Hudas not pay”
Hmmm…
After a while, nagkaroon na ng mga jeep na naka-aircon plying the Makati business area. And the latest in Pinoy ingenuity, tadaaa! The luxury jeepney limousine!

Sa labas pa lang ganda na. Para saan kaya ang sandamukal na mga ilaw na ‘yon?

Hmm…ordinaryo ang puwet. Hindi gaanong nakaka-tarn on

Bonggalicious naman ang harap niya. Pero para saan ba talaga ang mga ilaw na ‘yan?

Whoa! Limousine epek pala talaga ang loob ha! May mini bar pa

Is that a laptop I see between the TVs? Saan galing ‘yon? Wala naman ‘yan kanina ah.

Kita pa rin ang view sa labas, pero hindi kita ang loob. Parang one-way mirror hehe

Wow. Wala akong masabi. Ang galing talaga ng mga Noypi. Magkano kaya ito i-rent? Coolness!






Puto-kutsinta ni Bae Osiang




kung iyan ang gawing pampasahero ay magkano kaya ang bayad sa pagsakay..siguro lampas ng 50 pesos,hehe..
[Reply]
[Reply]
Really nice photos, most amazing Jeep Limo
.
[Reply]
wawawiWOW..
haha..magkanu kya fare jan???
haha.pwws n pang-guiness
[Reply]