This song’s for me
Feb 8th, 2010 by ella
Para sa akin, ang tula ay isang awit. Awit ng kaluluwa. Kabuuan ng mga katagang humahaplos sa puso ng pinaglaanan nito.
It is the lyrics of a song sans the melody. My friend Arvin wrote a beautiful song for me. Maraming salamat, Arvin. You’re so sweet. Tamang-tama, balentayms gip mo na sa akin ito ![]()

HANGARIN
Ni: Arvin U. de la Peña
Dumating man sa iyo ang araw
Na may bumabagabag sa iyong isipan
Huwag ka lang mabahala
Maging kalmante ka lang.
Huwag mo iyon dibdibin masyado
Lalo at alam mong ikaw ay tama
Wala kang ginagawang di kanais-nais
Kaya walang dapat ipag-alala.
Lagi mo lang tandaan
Na ang masama ay walang panalo sa mabuti
Mga paninira lang talaga sa iyo
Kung ikaw man ay bigyan ng sama ng loob.
Panatilihin mo lang nakagawian mo na
Huwag kang mag-iiba aking kaibigan
Dahil marami ang humahanga sa iyo
Marami ang nagtitiwala sa iyong kakayahan.
Sa pakikibaka mo sa buhay
Hindi ka lang nag-iisa
Marami rin ang katulad mo
Sa lahat ng ginagawa malinis ang hangarin.






Puto-kutsinta ni Bae Osiang




wow ang sweet.. sana meron din akong fren lyk him


nice one
npadaan lng po =)
sna mpdaan k dn s hauz q
[Reply]
salamat sa iyo at na post mo sa blog mo ang sinulat ko na para sa iyo sa by request..dahil dito ay invite po kita na bumisita sa blog ko at basahin mo ang post kong KANTA KO( reveal) noong december 9, 2009..i hope mabasa mo ang post kong kanta ko..thanks again..muli i invite you to read my post last december 9, 2009 title KANTA KO (reveal)..
[Reply]
Uy, kapamilya ko kaya si Arvin? LOL. Galing mo. Isa kang makata! =)
[Reply]