Yung nakikita ‘nyong number ng spam sa kaliwa na nahuli ng akismet anti-spam plugin ay para lang sa 15 days. Makukulit ang mga spammers na ‘to. Ang total number na nahuling spam sa blog ko ay 85,481 na. Grabeh.
Kaya po ito ang topic ko ngayon ay dahil napansin kong may mga messages si momregg ng sulit.com sa shoutbox. First time ‘yon kaya nagtaka ako. I presumed she tried commenting on the post pero hindi lumabas.
I clicked the “Latest Spam” page. Shet, 34 pages! Kailangan kong halungkatin ang libo-libong spam at baka may naliligaw na legitimate comments dito. Hala scroll nang scroll, page after page, dahan-dahan at baka may makalusot sa mata ko.
Natagpuan ko sa third page ang nawawalang comment ni momregg. Tama ang hinala ko. I ticked “not spam”, tapos itinuloy ko ang paghahanap. Scroll down dito, scroll up doon. Naku, may comment pala si reyna elena, one of my fave bloggers. Despam agad!
Medyo nagkakaroon na ng muta ang mga mata ko sa dami ng spam. I found another one from Harcy commenting on my new hairstyle. I decided to stop filtering sa 12th page but not before I found two more from Melinda.
Fyi, this Melinda person commented on Tonyo’s blog na hindi ko raw pina-publish ang comments niya. “I wonder why?”, tanong niya sa kawalan.
Na-deja vu ako sa first comment niya, “coffeeaddict” ang dating. Remember her? Sus, akala ko pa naman nasa bowels of hell na ang mga taong ito, nandito pa pala.
I decided to leave this one as spam. Naisiwalat na niya sa blog ni Tonyo ang mga earth-shaking “discoveries” niyang ito. Natupad na ang masamang hangarin niya. Okey na ‘yon.
The second comment also sounded very familiar. Tsk talagang hindi pa nakaka-move on si Ms Melinda. Wawa naman. Hindi na kailangan ang ganitong smear campaign, ma’am. Na-charge na ng libel ang byuti ko, overkill na ‘yan.
Ito ‘yung second comment niya:
-
“oh and by the way what a coincidence ABS-CBN is giving a chance to air your side. aren’t you guys in cahoots ever since from the start of this “SCANDAL” you created?”
Cahoots? Nyahahaha! (insert more tear-inducing laughter here). Shet, man. Ilang taon na kaya itong si Melinda? Amoy naptalina na yung word na “cahoots” eh. Matagal ko nang hindi nababasa ‘to. Hindi pa yata ako pinapanganak nung mauso ang “cahoots-ing” activities LOL.
Anyway, Melinda, dear, you are so living in the past. Sinulat mo na ito sa lahat ng thread sa mga blogs last October. Wala bang pumatol? Medyo bitter ka eh.
Wish ko lang totoo ‘yang bintang mo. Hindi ko na kailangang magtrabaho sa dami ng pera ko ngayon, di ba? ‘Yun nga lang, how can a bimbo like moi pull off a very complicated cahootsing assignment from an institution as big as ABS-CBN?
Imagination nga naman ng mga tao. Kakaiba.
To momregg, reyna elena and Harcy, sorry po, na-spam ang comments ninyo pero nailabas ko rin. To Melinda, move on ka na, girl. Sayang ang oras mo. There are more fun things to do with your life. Iwasan ang magkimkim ng poot sa dibdib and learn to laugh a little. It’s good for your soul, may byuti points ka pa.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang



