Ang planetang Tandansora
Nagkaroon ng malaking giyera sa malayong planeta ng Tandansora. Malayo ang planetang ito, as in kailangang sumakay sa dyip, MRT at pagkatapos ay may mahabang biyahe pa sa traysikel.
Balak lipulin ni Queen Rilip ang mga kaaway ng kanyang munting kaharian. Masyado raw silang maiingay, madadaldal, makukulit, mahahaba ang mga binti at braso at higit sa lahat, magaganda
Dapat silang iligpit nang maturuan ng matinding leksyon. Sa kanyang nadirimlang isip, kapag nahuli, naikulong, nalagyan ng busal ang bibig ng madadaldal na ito, tatahimik na ang kanyang planetang nasasakupan.
May nagbulong sa reyna na dapat na ring putulan ng dila ang magaganda at seksing rebelde. Dikdikin ang dila at ilahok sa gravy ng paborito niyang key-epsi. Babata raw ang reyna. Hindi lang babata, gaganda pa.
Naniwala ang reyna. Lalo siyang nanggigil na mahuli ang mga rebelde. Pinakawalan ang mga alaga niyang tar-sir. Matindi ang pang-amoy ng mga tar-sir.
Ayon sa mga alipores ng reyna, ang kailangang hulihin at ikulong ay ang pasimuno ng kadaldalan, si Elatar. Handang lumaban ang mga Ebatars (ang magaganda ngunit madadaldal na kaaway ng reyna). Nagsimula silang mag-training sa larangan ng hand-to-hand combat sa isang tagong kuweba.
Eto ang larawan ni Elatar. Ipinaskil ng reyna sa lahat ng gilid ng mga nakalutang na lupa sa ere.
Mensahe ni Elatar sa lahat ng Ebatars:
Mahal kong Ebatars,
Kapag hindi ako nakapag-update nang medyo matagal, meaning, naglaho ako sa blag na ito, nasa deep and intense training lang ako. Kailangang makapag-handa sa nalalapit na laban.
Naka-schedule na ang aking water spa, foot spa, manicure, pedicure, facial at hair treatment. Magpapa-skin recoloring na rin ako. Hindi ko type ang color blue. Sa susunod ninyo akong makita, pink na ang balat ko. Magpapa-curl na rin ako ng buntot. Mag-ingat kayong lahat.
Sa susunod nating pagkikita,
Elatar
(Photos from the movie Avatar)





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




Ella good luck! Hugs to you. Ingat ka dyan.
Don’t worry kahit si Elatar pa ang iharap mo kay Cabral mas maganda at mas bata pa rin compared sa kanya
Kaya pwede ka nang hindi pumunta sa parlor 
[Reply]
dont worry Elatar we will wait and continue to support your fight against the dark and evil Tar-Sir and also her excellency Queen Rilip…Hindi nila kayang gapiin ang pwersa ng kabutihan…
Ingat ka Elatar and We will wait for you…
[Reply]
dadamayan kita elatar bibitbitin ko na ang sibat at panangga ko, lalabhan ang pulang kapa at simulan mag 1M sit ups para yung 1 pack ko maging six pack hehe teka nakaka gutom daan ako sa leonidas sarap daw trufles dun dalan kita
[Reply]
good luck elatar…and ingat ka lagi ^_^
[Reply]