The buck stops where?
Dec 7th, 2009 by ella
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ganitong klaseng post. Magpa-pasko na. There’s excitement and festivity in the air…or in the malls to be exact. Pero feeling ko hindi dapat matuwa ang mga Filipino. Para bagang wala tayong karapatang magsaya.
By virtue of statistics alone, we became number one in 2009. Parang nanalo tayo. According to CPJ (Committee to Protect Journalists), THE PHILIPPINES IS NOW THE DEADLIEST COUNTRY IN THE PLANET FOR JOURNALISTS.
Out of 85 journalists killed in 2009 worlwide, 32 (motive confirmed) and 1 media worker ang napatay sa Pilipinas in Ampatuan, Maguindanao on November 23. There were 2 more, one in January and one in July but motive was unconfirmed.
Anim (6) ang napatay sa Somalia, the second deadliest country for journalists this year. Apat (4) sa Iraq, pangatlo na lang ang bansang ito sa atin na dati ay laging number one.
Also from CPJ, 67 journalists were killed in the Philippines since 1992, motive Confirmed, 27 motive unconfirmed and one media worker.
Ito ang listahan ng MOST DANGEROUS COUNTRY for journalists in the world (top 10-20)
If we look at the trend, nagkaroon ng pagbabago. After 2001, Taon-taon may napapatay na mamamahayag sa Pilipinas. Padami pa nang padami. Naging number 2 tayo agad as the most dangerous country for journalists.
Hanggang sa tayo na nga ang tinanghal na DEADLIEST country for journalists sa taong 2009. Ano ba ang nangyari noong 2001 at parang naging dalawa-singko na lang yata ang buhay ng mga journalists dito nang mga sumunod na taon?
May kinalaman ba ito sa pagpapalit ng namamahala sa bansa? Ang alam kong pinakamalaking pagbabago noong 2001 was Gloria took over as the leader of this country. That’s the biggest change I can think of.
May kinalaman kaya ito? Sabi ni Lolo Hugo, “KUNG ANG HARI AY BALUKTOT, HINDI KAYA ANG MGA BASALYOS DIN? (basalyos or vassals in English are persons who held land from a feudal lord and received protection in return for homage and allegiance. ).

U.S. president Harry S. Truman had a sign with this inscription on his desk. This was meant to indicate that he didn’t ‘PASS THE BUCK’ to anyone else but accepted personal responsibility for the way the country was governed.
Last November 23, walang pakundangang pinaslang ang 30 mamamahayag sa Ampatuan, Maguindanao, making this country the DEADLIEST of all time in the whole world for the press.
Ito ang tanong na nasa isip ko: Bakit walang konsyensiya, walang takot at abuso sa lakas ng loob ang gumawa nito?
Political warlordism at its most violent. Kapag may nagtangkang kumalaban sa “lord” sa anumang government position, patayin na lang, pati mga supporters niya.
Fyi, sa eksaktong lugar na ito din na-zero ang boto ng nasirang FPJ, an election return which was highly questionable at that time. But no one dared challenge it, tinanggap na lang siyang official. Coincidence?
Dapat yata may ganitong sign din sa desk ang ating pangulo.

Asa pa tayo.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




like what I’ve said in my page:
Hell to those IN POSITION AND IN AUTHORITIES that tries to cover the truth in this case. Tandaan niyo guys hindi lahat ng oras at panahon nasa inyo (karma-karma lang yan.)
God’s will shall prevail. (walang sikretong hindi lumalabas).
[Reply]
hindi sa ganitong paraan dapat nakikilala ang Pilipinas. nakakahiya.
nang italaga nila ang mga ampatuan para mamuno sa lugar noong mapatalsik si Marcos, isa nang malaking pagkakamali.
years go on, at patuloy rin silang kinunsinti ng gobyerno.
no one dared to dismantle the private armies.
bakit ngayon pa kung kelan nangyari na ang di dapat mangyari?
the question is, totoo nga kayang magagawa nilang mabuwag ang mga private armies na ito, at matanggal sa sistema sa kahit anong lugar sa bansa ang warlordism?
sana naman masimulan at matapos na itong bulok na sistemang ito na ang tanging nakikinabang ay ang mga pulitikong lalong tinitingala ang kanilang mga sarili sa dami ng taong prumoprotekta sa kanila laban sa mga multong kanila ding ginawa.
dapat magbantay ang mga Pilipino.
[Reply]