To Noynoy, is this the Filipino worth dying for?
Nov 13th, 2009 by ella

Parang fiesta ang buong kahabaan ng España. Sunod-sunod ang dilaw na banderitas sa gitna ng daan. Alternating ang letrato ni Ninoy at ni Cory. Nakasulat sa banderitas ni Ninoy ang famous words ng aking hero, ang tatay mo.

Wala ngang “vote for Noynoy” na nakasulat but am I right in presuming it’s your party’s campaign material? If it is, my next question is, are we thinking of the same Filipino here?
The Filipino worth dying for
Para sa akin, sa sitwasyon ng bansa ngayon, ang Filipino ay si Juan, biktima ng kalupitan ng apat na sunod-sunod na bagyo. Hindi siya nag-iisa. MILYON sila. May kuwento ang bawat isa, may kanya-kanyang trahedya.
Si Juan Biktima, ang binagyo, ang nasalanta. Nandiyan pa siya. Nakasahod ang kamay, nakatanghod, naghihintay ng tulong. Napakarami nila. Isang katotohanang hindi mabubura.
Kasali ba sila sa mga Filipino worth dying for? O statistics na lang sila?
You have to admit si Juan Biktima ang Filipino natin ngayon. Hindi naman siguro kailangang MAMATAY para LINGUNIN AT TULUNGAN silang makabangon, di ba?
Medyo overkill na ‘yon (pun intended). Why not just “LIVE TO SERVE THE FILIPINO… to the best of your ability, with complete honesty and an absolute hatred for corruption and incompetency.”
O di ba , mas maganda? Magkakaroon ka na ng sariling identity, hindi ka pa nangopya ng slogan kay Tatay mo
Naku, ha, suggesment lang po ito. Baka pagbintangan na naman akong may sandamakmak na malisya and out to discredit you. Wala po akong mahihita, thank you. At saka hindi po ako binayaran ng kalabang kampo.
Sobrang fan lang talaga ako ni Ninoy kaya nakisawsaw na ako sa pulitika. Siya ang aking one and only hero. He willingly died for the oppressed Filipino.
Na-shock kasi ako nung makita ko ang mukha nila ni Cory na nililipad ng hangin sa España. Akala ko, kumandidato na rin sila.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




Sa Manila ko lang nakikita yung mga streamers na yan. Sa ibang cities sa MM parang wala ata. I’d like to note that you took the picture while you’re on the road in Espana
My guesses are:
hehehe
#1. si Mayor Lim ang nagpalagay nyan for whatever reasons he has. (Of course, we also know he’s supporting Noynoy).
#2. isa sa mga makakalaban nya for the Presidency. I think there was this news item a few weeks back that, in one province, some $#$%$ng politician affiliated with another party put up “Vote for Noynoy/Noynoy for President” tarps without the Liberal Party or Noynoy’s knowledge. (Suspicions were very high.)
#3. Si Noynoy nga siguro. But then again, with so much publicity and an MTV-commercial backed by ABS and GMA talents, do you think he still needs campaign materials?
The jury’s still out, I guess, until the person behind those Ninoy/Cory banners reveal himself/herself
[Reply]
ella Reply:
November 13th, 2009 at 4:00 pm
Hi P,
Oo nga ano, wala nang banderitas pagdating sa Welcome Rotonda. Q.C. na kasi.
Well, palagay ko hindi naman siya planted. May goodwill kasi si Cory at Ninoy. Medyo lacking in taste nga lang ang dating niya.
Nabanggit mo yung Espana. May suki akong ukay-ukay dun eh hehe
[Reply]
Pinalagay ni Mayor Lim yang mga streamers na yan dahil sapgkat because proclamation nila ni Vice Isko last Monday sa Liwasang Bonifacio. Lim & Isko will run for Mayor & Vice Mayor respectively. Siyempre nandun si Noynoy. Anyway, magbabago ba ang kalagayan ni Juan kung si Noynoy ang magiging presidente? Just asking…..
[Reply]
ella Reply:
November 14th, 2009 at 2:55 pm
Ah, I see. May koneksyon naman pala kasi si Noynoy ang presidential candidate ni Mayor Lim kahit ibang party sila.
Well, puwede ko nang isipin na Liberal Party kasi si Ninoy kaya ganoon ang banner nila. Kanya-kanyang perspective na lang ito. All is fair in love, war and Phil. politics right, my friend?
To answer your second question. Hindi ako nage-endorse ng kahit na sinong candidate pero I believe kailangan ang “tunay na pagtingin” kay Juan para mabago ang kalagayan niya. Kailangan ang “puso at damdamin”.
Pinalaki ni Cory ang mga anak niya na busog sa turo ng Diyos. She was a very religious woman. Kahit na hindi kasing-talino ng ibang kandidato si Noynoy, palagay ko may malaking AWA sa puso niya para kay Juan.
I am talking of the basic charactrer here.
I think Noynoy has the heart needed to honestly care for the downtrodden. Opinion ko lang naman ito. Ito ang kailangan sa problema ni Juan Biktima.
Isa pa, Ariel my friend, if he wins, OUT with the old and IN with the new (Cabinet). Automatic naman ‘yon.
I’m sure marami pang ibang taong may puso at pagtingin sa mga kaawa-awa..
[Reply]
Gaya gaya ako, issues mo, issues ng maraming naghihingalong kabayo, at issues ko rin, though hindi pa naman ako naghihingalo, at wala akong balak na mag hingalo. Come to think of it, sino ba ang may ganyang balak? Ang saving grace ko ,(hula lang ha) kasi hindi ako sigurado, ang matutong mamuhay ng semple lang.
Easier said than done, to be sure, dahil, may nakakain pa naman, ika nga. But gayon n lang ba?
It cannot be so, and I hope not.
Thank you for addressing an all important issue…,
Pinoy style Politics. Specially, ‘Dead Politician’ I mean “WTF”. What a waste of friggin expense on banners in trying to influence the naghihingalong na ngang kabayo na ang hinihintay lang ay ang katapusan ng botohan at baklasin na yun mga yelong bandera at ikumot,may pakinabang pa.
all for naw
Tess
[Reply]
hindi naman mahalaga kung sino yung uupo sa pagkapresidente, ang pinakamahalaga ay yung magiging sitwasyon nila Juan (kasi marami sila). Hindi naman mahalaga kung gaano kayaman yung mga magiging leader natin ang mahalaga may will at sincerity sila na maglingkod at i-guide ang mga nawawalang Juan. God can only make miracles at walang tao / pulitkong makakagamot ng sakit ng buong bayan, buong lipunan.
[Reply]
a)Is the person schooled in Politics? Politics cannot be base on the majority, this is not a Popularity contest. This is where We the People have been wrong in who we seat at the office.. The voters as well must be an inform voter, yung hindi nabibili, at hindi nasusuhulan. Mayroon pa naman yata sa atin Totoong Tao.
Sa Susunod na halalan, ito dapat ang nakalagay na mga qualification. May mukha ba siya na hindi lang loob maganda pati na rin panglabas. Appeal still counts…for myself, di nabali akong Pangit, huwag lang a Presidente Ko, dahil, hahaarap siya sa mga Presidente ng ibang bansa, eh kung mukha ay maga na kagaya ng mukha ng may fake na begote, patatawanin lang natin si Obama , saka si Michelle at yungt yung dalawang anak nila, pati na Super Chef, tawa rin.
b) How is the Candidates ability to communicate, the ability to influence , and lead the country for the Whole Country requires communiation skills, and can he both lead and follow orders. My ability ba siya mag influence other Leaders of the World? Mostly , a poor country like ours can only try to persuade, and boy,o boy, we have alot of persuading to do, to the point of begging.
Does this person know how to do Politics, (am not talking boxing here) call it what you like, but boxing to me is not a Sport as I understand sport to be. I think it is more of a Job. A well paying job, of course, but at whose expense.
I am not taking anything from Manny, I have not seen any of his fight live, am not a boxing fan, though I remember Thrilla in Manila what a circus it was indeed, even our very Sabadista sa Baesa School noon cancelled classes dahil Thrilla nga ng dalawang…hehehe, ay soy sauce, am not saying it, won’t dare, cause it would be Wrong.
Anyway haba na nito , sorry to you , You Gracious Host ellaganda.
tess
[Reply]
naiinis din ako dyan. dati favorite ko ang color yellow. ngayon hindi na.
kawawa naman ang mga mahihirap pag nanalo si noynoy. baka mga mayayamang gaya nya lang ang makinabang.
sorry po sa mga magagalit. hindi lang talaga ako fan ni cory. alam naman nating lahat kung gano karaming tao yung namatay sa pag huhunger strike dahil ayaw nila ibigay yung share sa hacienda. atsaka yung mga pinapatay na rin ni mayor lim na mga rallysta sa mendiola noon na workers din sa hacienda luisita.
nasa sa atin na lang yun kung magbubulagbulagan tayo.
[Reply]
“naiinis din ako dyan. dati favorite ko ang color yellow. ngayon hindi na.”
Bianca, alisin ang inis, masisira lang ang beauty mo ;>)
Sa halip ipagpatuloy mo ang pagbibigay pansin sa mga common goals ng mga tao. Ang magkaroon ng Presidente na nahalal ng mga Taong alam ang ginagawa. Kaya nga hindi pwede ang Popularity contest na style na election. Mas maraming ingot kaysa wise, and are easily bought. Hinalal ng mga tao, hindi yung, bigla na lang lipat sa Palasyo Presidente na. Kailangan alam ng mga boboto kung sino sila at ang background at education nila mahalaga rin. Politics ito, hindi ito madadaan sa sayaw , or kanta, or boxing ;>)
Oo, iba iba tayong tao, iba iba pangangailangan; nga ba? Gaano man ka diverse ang mga kahapon, ngayon, at bukas natin, ang pangangailangan ay parepareho, basicaly. shelter, food, fresh air, Justice.
Maraming ishanare dito , thank you!
tess
[Reply]
marami kang ibinahagi sa post mo na ito,
Thank you!
tess
[Reply]
Be fearless, speak of what you know.
Thank you for sharing.
tess
[Reply]
kalat lang kasi yung mga yellow banners after election no, mga ate?
[Reply]
bianca: “kalat lang kasi yung mga yellow banners after election no, mga ate? ”
tess: not only that, waste of needed funds. Taking advantage nayan sa masa. Playing with their emotions. Of course! people will be invoked at this tactics (people lang eh) ika nga, mag asawang parehong patay na, at parehong mahal ng masa. When it comes to leading a country, hindi yan pasikatan, or pinakamatalino, or pinakabanal, (kuno) sa aking kaunting kaalaman, at nakita, sa atin na yata ang pinakabanal na bansa, ang dami-daming paniniwala; sarilig paniniwala tuloy ay kusang nawawala…sunod- sunuran, kulang sa kaalaman.
Hindi miracle ang kailangan natin, dahil miracle do not work.
Education ang kailangan natin. The right kind of Education, and inclusive, hindi yun may mga may salapi lang at connection ang nakakapagaral. Our Public Education is a misnomer, our “Teachers” are making their students sells candies.oppps na off topic na yata ako…but an issue worth noting nontheless, in my view
[Reply]
What a way to play with people’s emotion. People are still trying to get over the Cory fever. Kampo ni Noynoy are taking advantage of the people’s feelings. It is pathetic because he is just nakiki-ride sa popularity of his mom and dad. He is not his own person yet. This guy is really not ready.
[Reply]