Pamanhikan blues
Oct 14th, 2009 by ella

Nakakatuwa ang kaugaliang Pinoy…noong araw. Hindi ko alam kung pinahahalagahan pa ang mga kaugaliang ito sa panahon ngayon. Pero super kilig ang ate Ella ‘nyo kasi uso pa pala ang pamanhikan sa family ng aking groom to be.
Sa Western culture, I think they call it “meeting the parents”. Sa atin, ito ang pormal na paghingi ng lalaki sa kamay ng girlfriend niya sa mga paryentes nito bago ikasal. I think they also have this tradition in Chinese engagements.
Pamanhikan literally means “papanhik” sa bahay ng babae ang lalaki kasama ang mga magulang niya at madalas pati na buong pamilya. Magdadala sila ng pagkain sa bahay ng babae para pagsaluhan ng dalawang pamilya.
Matapos ang pormal na pagpapakilala, kapirasong sosyalan at kainan, haharap ang lalaki sa ama at ina ng kanyang nililiyag upang hingin ang kamay ng kanyang kasintahan (hehe nice words eh?).
Aanhin naman niya yung kamay? Kasama syempre ang buong katawan, no. Apdo, atay, ilong, paa, matres at kung ano-ano pa. Magsasabi na tuloy si lalaki sa two sets of parents kung kailan at kung saan nila balak magpakasal.
Ginawa po ito ng aking fiance, si Boo, last weekend. There was one little problem, though. Boo’s father was still recuperating from a stroke kaya hindi sila puwedeng magbiyahe from Tarlac to our house in QC.
Nag-offer agad si Tatay na kami na lang ang pupunta sa Tarlac. Baka raw kung ano pa ang mangyari sa balae niya. Feeling ko lang, gusto na talaga akong itapon ng butihin kong ama sa pag-aasawa. Ayaw i-postpone ang pamanhikan eh.
Tapos nung nagsasabi na si Boo sa kanya, aba eh, mabilis pa sa alas-kwatro sa pag-oo. Feel ko pa sanang magpakipot para mas matagal akong center of attraction. Eh kaso mo, hindi pa natatapos ang sentence ni Boo, ibinigay agad ni ama ang kamay ko. Waaaah! Sira ang script, hindi man lang nagpaka-hard to get ang tatay ko!
Ampucha, kung puwede lang siguro, iniwan na ako kina Boo. Baka kunsumisyong anak talaga ako huhuhu. Good riddance yata
Eniweys, nagpa-lunch muna pala si Boo sa Fortune Seafood Restaurant sa Tarlac. Dumating lahat ang mga kamag-anak niya. Madami sila, mga 20 siguro, tapos dalawang piraso lang ang kamag-anak ko, si Tatay at si Ana. Lugi yata kami doon ah LOL
Masarap ang food at sobrang mura. Iba na talaga ang probinsiya. I was told many Chinese families from Manila actually travel for two hours all the way to Tarlac para kumain lang sa restaurant na ‘yon.
You can check out what we ordered here.
After the sumptuous lunch, we all headed back to Boo’s house kung saan siya formally magsasabi sa tatay ko at sa parents niya. I have met his Mamang and Papang and some of his siblings before (remember the “elementals” story?).
Bunso si Boo sa anim na magkakapatid at siya na lang ang walang asawa. You can imagine why everyone with the same surname as his was there. And all the grandchildren and cousins, too hehe.
At syempre pa, nasobrahan sa pa-byuti ang ate ‘nyo. Kontodo may kumikinang na headband pa ako sa ulo, nagmukha na yata akong baliw na prinsesa nyahaha

Hmmm…lucky guy (kapal na naman hehe)
All in all, it was a successful “pamanhikan”. Quite a happy event, akshuli. Sobrang nag-bonding ang dalawang tatay. Ana was also great with his Mamang and pamangkins. Ako? Wala lang, naka-pose all the time at nag-iinarteng magandang prinsesita hehe. Pucha, syempre sinamantala kong ako ang bida, noh!
P.S. Ay hindi pala ako ang bida, ‘yung kamay ko lang pala harhar





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




hahaha! natatawa ko sa tatay mo. parang nipapamigay ka na nga. kumbaga sa customer eh hindi pa tapos mag-alok yung salesman eh iniaabot na agad ang bayad.
congrats.
parang ganyan din nung namanhikan kami last year. yun nga lang, yung biyenan ko sa bulacan pa ang tumatanggi na mamanhikan pa kami. malalaki na daw kami at hindi na uso yon. pinamimigay na nga rin yung bunso nya. hehehe.
[Reply]
Congratulations sa inyong dalawa!
Baka natakot lang ang tatay mo na magbago isip ni Boo kaya he sealed the deal right away.
I think it’s still a nice tradition to do the pamamanhikan. It’s a way of showing respect and gratitude to both families especially the parents. hehehe..siguro si tatay, sobrang gratitude..So, official na! Ella is getting married! I am so excited for you. Oi, be good girl ha!
[Reply]
hagalpak naman ako ng tawa sa sinabi mo na hindi pa tapos yung sentence ni boo, sumagot na si ama!rofl! at saka ok talaga si ama ha, isipin mo ayos lang na kayo ang mamanhikan! kung sa iba yan, naku! bigla ko tuloy naalala ang masalimuot na pamanhikan ng fafa ko..
anyways, tuloy na tuloy na talaga ellabeybe! isipin mo, nung matagpuan ka namin sa cyberspace, feeling namin, ikaw yung little, innocent, fragile girl na kailangang ipagdasal dahil sa mundong pinasok mo noon. ngayon kita mo, nakaya mo lahat! survivor ka talaga. ipagdarasal ka pa rin namin but no longer about keeping you safe from the evil world kundi maging maligaya ka sa buhay may-asawa. natagpuan mo na si prince charming, si knight in shining armor, your pixel heart, your boo…hala, naluluha naman ako..magfeeling nanay ba?
[Reply]
p.s. sa porma mo na yan, buti nga nakasalita pa si boo. in fairness ke ama, sinalo lang nya siguro si elabs, tingin nya siguro mauutal.
[Reply]
Congratulations Ate Ella, alala ko tuloy nung namanhikan kami talagang pinagluto kami naghanda talaga sila plus yung dala pa namin nagmistula tuloy fiesta ang pamamanhikan namin. alam mo ate Ella kaya ganyan si tatay feel niya na your in good hand kay Boo, again Congratulations
[Reply]
I think it is still in our culture na mamanhikan sa babaeng iniirog ng isang guy. ;D Ang swerte mo at naranasan moh pa yan. Dahil maraming dina dinadanas yan sa kadahilanan na maaga silang nag-aasawa. My best wishes to you and your Boo. Naks! Parang kasalan na ito ah. ;d
Solo
[Reply]
Congrats fren. Imbitado ba ang mga cyber friends mo? Dami namin he he he. Anyway, best wishes and congrats again.
[Reply]
Wow nmn! Buti kapa, naranasan moh ang mamanhikan sa iyo ang boy next door moh. ;D Congrats ah! Sana invited ako sa wedding moh. ;D
April
[Reply]
WOW! AS IN WOW….
how sweet naman ate…kami kaya ng gf ko kelan????
hhhmmm…lam mo naman dati di ba na matagal na kong happy sa mga magagandang nangyari sa buhay mo di ba… Isa na lang wish ko na magkaroon ka ng happily ever after na buhay may asawa at carrer…
Kakainggit ka ate kaso la pa kami pla na katulad ng sayo ei…
I am very happy for you…
P.S.
Invite mo naman kami sa kasal mo hehehe…
[Reply]
[Reply]
waaaah! mag aasawa na si elladear. iiwan mo na ba kami dito sa bahay mo? baka wala ka ng time samen pag nag asawa ka na. kaso sino ba naman ako para pumigil sa kaligayan mo. alam mo naman ako na kung saan ka masaya at maligalig, dun ako. support lang ako dba?hehehehe. congrats elladear. balitaan mo ko sa saga ng iyong nakakamit na pagibig! hahaha! nahahawa na ko sayo, tagalog na tagalog ka! hahaha.
[Reply]
Congrats Ellababe! I’m happy for you. I wish you and pixel heart nothing but the best. Muah!
[Reply]
wow ha… nice idol ella.. ayus…. bidang bida ka
[Reply]
Hi am also new to your site. Just wanted to share that I heard some indonesians talking and I THOUGHT I heard the word “pamanhikan”. I told them what the word means in Filipino and they replied it means “wife” i think sa kanila.
[Reply]
wow ha!!! congratz!!! kakaiba k tlga very outspoken k tlga u’r one of a kind…
from now on always na me mgbabasa ng mga blogs mo khit d ako blogger
[Reply]
[Reply]