Tok…tok…tok…Paaabileeeeh!
Jun 10th, 2009 by ella
Nope, “tok…tok…tok…” ay hindi po katok sa pinto. Ito ay tunog ng baryang tinutuktok sa ibabaw ng eskaparate o kahi’t na anong ibabaw sa tindahan ni Aling Kikay sa kanto. It’s the Pinoy’s way of calling the attention of storekeepers na nawawala dahil nanonood ng Wowowee sa loob ng bahay nila.
At dahil ako ay isang weird na tao, ginagawa ko rin ito sa malalaking department stores kapag hindi ako pinapansin ng mga sales clerks (kung meron man sa paligid). Lagi akong may nakahandang baryang pantuktok sa eskaparate. Sabay sabi ng…”Paaabileeeh…ng sapatos!”
Believe you me, I get their attention bwahaha
Pero natatawa ang mga sales clerks dito. Why? Because it sounds so familiar. As if bigla silang nabalik sa harap ng tindahan ni Aling Kikay. It’s a part of the Pinoy culture because halos lahat tayo ay dumaan sa “tuktok” thing noong araw. Hindi ka naging batang Pinoy kung hindi ka nautusang bumili ng suka sa kanto.
And I’m sure hindi mangyayari sa Pinas ang paglalaho ng mga sari-sari stores, unlike in the States where mom and pop stores are disappearing fast, making way for the likes of Wal-Mart, K Mart and Target. The personalized service of these little stores where owners and regular clients are on first name basis is irreplaceble. Pero nostalgic epek na lang sila ngayon sa Merika.
katulad ni Aling Kikay sa kanto namin. Saan ako bibili ng banana cue, kamote cue o turon kapag nawala na siya?

Lumpiang toge, turon, banana cue, maruya, stork kendi, yosi, limang pirasong bote ng sopdrink. Tindahan na siya! meron din naman siyang sa malamig. Ewan ko kung ano ‘yon hehe.

Tindahang binalot ng bakal. Baka nga naman manakawan ng Chippy harhar
And it doubles as a billboard, daming wanted ads.

Mini grocery na yata ang isang ito, where they have everything you need. May tinda pang baboy at manok si Manong.

At ang mainstay sa buhay-Pinoy, the good old karihan ni Manang sa kanto.
Ah, mga Aling Kikay at Mang Kikoy sa mundo, paano na kami kung mawawala kayo?








at jan kakaiba ang pinoy! hehehe
[Reply]
ella Reply:
June 10th, 2009 at 10:14 pm
Alam mo Ikay, sa isang street ko lang kinunan ang mga pics na ‘yan. Sunod-sunod ang mga sari-sari stores. Pwede nang tawaging strip mall (ng mga sari-sari) lol
Kakaiba talaga ang mga noypi.
[Reply]
“Hindi ka naging batang Pinoy kung hindi ka nautusang bumili ng suka sa kanto.”
So hindi ako maituturing na batang Pinoy kasi NEVER pa akong nautusang bumili ng suka?
[Reply]
ella Reply:
June 10th, 2009 at 10:22 pm
Cherry mae, isa lang ang ibig sabihin noon. Baka may dugong bughaw ka hehe (kaya exception to the rule) pero dahil noypi ka, bibili at bibili ka pa rin ng suka pagdating ng araw
O kaya, pabibilhin mo ng suka ang magiging anak mo lolz
Walang ligtas.
[Reply]
hi! katatapos ko lang mabasa ang libro mo. hindi ko maibaba! haha.
[Reply]
pasensya na girl friend bihirang magiwan ng bakas, btw ano yung karihan[bisaya eh], is it the equivalent of karinderia?
[Reply]
Last vacation namin sa pinas during our road trip, huminto kami sa isang sari-sari store para bumili ng candy, eh walang tao sa tindahan, naghagilap ako ng barya at tinuktok ko rin. Gulat mga bata ano raw ba ginagawa ko, wala kasi silang idea kung paano bumili sa tindahan sa pinas…hehehe.
[Reply]
nami miss ko na yung tindahan ni Aling Charing na pwede yung lista. pati yung turo turo ni Mang Tabog. weheheheh.
[Reply]