Valentine post #1
Feb 6th, 2009 by ella
Women are from Venus, men from Mars. Eksakli. Kaya hindi nagkakaintindihan ang opposite sex mula pa noong panahon ni Eba at Adan ay dahil nga diyan.
Eba: Nagugutom ako. Parang masarap kainin ang prutas na ‘yon.
Adan: Naku, labs, bawal daw sa atin ‘yan sabi ni Bosing.
Eba: ‘Yon ang type ko, mahal.
Adan: Hindi nga puwede ‘yon. Ipipitas na lang kita ng ibang prutas, labs.
Eba: (nagsimulang bumukal ang luha sa mga mata) Pero ‘yon nga ang gusto ko eh. Hindi mo ba ako mahal, Ads?
Adan: Huh?? Anong kinalaman ng pagmamahal ko sa prutas, labs?
Eba: Sabi ko na nga ba, tama ang kutob ko! May babae ka, Adan!
Adan: Huh? May ibang babae dito?? Nasaan?? Pucha, bakit hindi ko alam?
Eba: (tuluyan nang bumunghalit ng iyak) Waaaaah! Hu-hu-hu matapos mong luray-lurayin ang puri ko, basta mo na lang ako itatapon at papalitan ng mas maganda at bata! Malupit kayong mga lalaki! Hu-hu-hu!
Adan: (biglang pinitas ang bawal na prutas at idinuldol kay Eba) O eto na, labs.
Eba: Ayoko na niyan! Ikaw ang kumain niyan! Taksil! Babaero!
Adan: (kinain naman ang prutas) Mmmm….masarap nga! Juicy na crunchy pa!
Biglang kumulog at kumidlat. Sumulpot si Bosing.
Bosing: Oist! Hindi ba sabi ko ‘wag ‘nyong kainin ang prutas na ‘yan!
Adan: (nanginginig sa takot) Si Eba po, Bosing, pinilit ako.
Eba: Sir Bosing, nahuli ko po si Adan, may babae hu-hu-hu.
Bosing: Huh? May ginawa akong ibang babae? Nasaan?
You see, presuming si Bosing ay lalaki rin, hindi rin Niya na-gets si Eba. Napaka-simple lang naman, ‘di ba, girls? Ayan tuloy, clueless kasi ang unang lalaki kaya tayong mga babae ang nanganganak ngayon hmp! ‘Yun daw ang parusa sa kakulitan nating mga babae, sabi ni Lolo Hugo.
(side note: Minsan weird talaga ang theories ng lolo kong ‘to)
Note from Ana: Hey, it’s their turn to give birth! It’s been centuries na tayong mga babae ang nanganganak. Sila na rin ang magpa-dede! Tse!








lol! kinda weird ^^ hehe! pero kakatuwa to..
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 3:48 pm
Cindy, palagay ko ganyan ang naging takbo ng mga pangyayari sa garden of Eden
[Reply]
wow kakatawa po nito ah? san nu po napulot to ?ang galing galing kz add ko po kau s link ko ate ella.
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 3:50 pm
Hello kikilabotz (cool sn, btw)
Inimbento ko lang ‘yan haha!
[Reply]
ayan makulit kasi
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 3:52 pm
Joskohday, Shiela, kapag narinig mo pa ang ibang theories ni Lolo Hugo, malolokah ka. Eh kung si Adan pala ang makulit, siya ang manganganak? Totally gross!!
[Reply]
ay lab dis..palink ha!!
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 3:53 pm
Hello there Vanvan!
Sure, why not? Thanks for the add.
[Reply]