You must have been a beautiful baby…
Feb 5th, 2009 by ella
Sa lahat naman ng “itutuloy na kabanata”, ito yung hindi matuloy-tuloy. Halata bang hindi ako masyadong excited? Eh kasi naman, honestly, guys, konti lang ang kilig ng istoryang ito. Nasimot na yata lahat sa past lablayps ko. Haaayz. Enweis, eto na po ang kanyang nakaraan.
Noong unang panahon, inosenteng paslit pa lang si Ella pero you can be sure, may potensyal na sa kalandian. Nakalimutan ko na ‘to, pero siguro panay ang “hi-hi-hi-hi” ko kapag may kumukulit sa aking kaklaseng lalaki. Sabay babanatan ko pa ng “byutipul eyes” kahit hindi pa ako marunong mag-add ng one-plus-one hehe
Kaklase ko siya sa mababang paaralan. Mula grade two hanggang matapos kami ng elementarya. At taon-taon, kaming dalawa ang homecoming king and queen harhar. Well, ang totoo, tuwing Pasko, ako ang Birheng Maria at siya si Joseph.
Dahil super vain at conscious ako sa gitna ng nativity play namin, hindi ko napapansin na may katabi pala akong batang lalaking gumaganap na asawa ko at tatay nung manika sa dayami. We’re supposed to be a family pala hehe. Akala ko extra lang siya eh. Sikyo baga.
At tuwing may kung ano-anong kabalbalan sa eskwela namin, siya raw dapat ang ka-partner ko, sabi ng mga titser namin. Hindi ko matandaan kung bakit ganoon. Paano ko naman maaalala eh feeling ko it was all about me lang hehe.
Pero ang sabi niya, ang kyut-kyut ko raw noon (pogi ponts ulit siya dito) kaya lagi akong si Virgin Mary. Eh di ang ibig sabihin noon ang kyut-kyut din niya kaya siya si St. Joseph? Naku ha.
Teka, na-sidetrack na naman ako. Nasaan na ba tayo? Ah oo, tungkol nga pala sa kanya ‘to LOLs
Enweis, you can imagine what these match-making attempts of our teachers did to the psyche of a little boy. Nagtagumpay sila sa aking young escort. Umusbong ang puppy love sa murang puso niya nang hindi niya namamalayan.
(Wa epek sa akin kasi vain nga ako kahit noong bata pa ako haha)
Nagkahiwalay kami pagdating ng hayskul. Lumipat sila ng bahay pero lagi pa rin daw siyang bumabalik sa may amin. Nagbabakasakaling makita raw ako. Nakikibali-balita. Sa puntong ito ng kwento niya, medyo kinabahan ako. Hala, baka fatal attraction-slash-obssession-slash-stalking kako ‘to ah.
Lumipas ang mahabang panahon, lumaki na kami. Naging dalaga na si Ellababes. Pero hindi pa rin daw ako nabubura sa isip niya. Nanligaw naman daw siya sa iba, sabi niya. Nagka-gelpren nang ilang beses pero syempre ang byuti ko pa rin ang nasa puso niya. Nauso ang friendster. Doon naman niya ako balak istokin. Eh kaso mo wala akong prenster account hehe.
So to answer your question, Emily, yes, he googled Ella kaya natagpuan niya ang blog ko. Inisa-isa raw niya ang lahat ng posts ko sa lahat ng blogs ko. Kinopya ang mga letrato ko (shet, stalker talaga!). But he was too shy to leave a comment.
And to answer your question, Gas Dude, nope, it was not an accidental meeting. Dumaan muna siya kay Ana. You know how it is, a friend of a friend of a friend. And they work in the same building. What are the odds, huh?
After some time, ka-text na niya si Ana pero hindi pa rin siya makalapit sa akin. Nakahalata yata si sister kaya ayun, she arranged our blind date. As in literally blind, pipol. Ang daya nila kasi ako lang ang bulag. As in Wala akong ideya sa itsura niya. At saka hindi ko nga siya matandaan, di ba?
I left out a lot of details here kasi ang haba na eh. Sa susunod na kabanata na lang. Isa lang ang conclusion dito, guys…once you’ve gone Ella, wala ka nang pag-asa mwahahaha!
Isa na namang makapal na episode sa lablayp ni Ellaganda. Itutuloy….





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




masarap ibalik ang nakaraan. lalo pat may mga bagong kakwentuhan, hehe ;D
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:47 pm
Oo Kengks, may kurot sa puso hehe
[Reply]
halos wala ngang pinag bago ang dalawa mong pic ^^ well at least hinanap ka niya di ba? what happened next then???
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:48 pm
Relax lang Cindy, darating din tayo jan. Para may suspense hehe
[Reply]
wahhh! bitin.
oo nga, dala mo pa rin yung “taray look”
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:50 pm
Kat, nagugutom na kasi ako sa dalawang pics na ‘yan LOL
[Reply]
Hi Ellababes. Ang ganda mo pala kapag naka-gypsy look. Talo mo si Esmeralda. ‘Yan na ba ‘yung bago mong Quasimodo? Hehehe. = D
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:53 pm
Huh? Mukha bang gypsy look, GD? Hindi ba “gutom na” look? lolz
[Reply]
*** This is a whisper message for ella! ***
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:57 pm
Oo nga Yoming. may kilala rin akong ganyan. Yun nga lang nagkahiwalay sila dahil tinukso sa iba yung lalaki.
[Reply]
huh! ellababes e2 ba ang tinatawag na true lab
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 1:57 pm
Ikay dear, palagay ko long lost lab siguro hehe
[Reply]
aabangan ko ang susunod na kabanata ha?
ella babes ang taray nang bago mong picture. grabe!
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 3:26 pm
Shiela labs, parang kakain ng buhay na baka nyahahaha!
[Reply]
Mukhang may bagong love life si Ellababe
[Reply]
ella Reply:
February 9th, 2009 at 4:44 pm
Jetty dear,
Puwede, puwede. Pero alam mo na, ayoko nang umasa. We’ll see.
[Reply]
ella…im a call center agent sa ortigas. i wont mention the company anymore….
and nung nabasa ko ung book mo… ay naku natawa tlga ako dun s portion n cnabi mo n pinanganak yta ang call center agents s america….. di nmn native filipino prin kme…. cnuwerte lng n nabiyayaan ng talento n manggaya ng accent……… mapa british…… mapa american…… o khit black american pa…… hehehehehehe!
binasa ko ung book mo (n hiniram ko lng s officemate ko….) tpos pra akong lokaret n tawa ng tawa s station ko….
eniweis gus2 ko lng malaman mo n i like ur stories…. keep up the good work…. ill try to leave messages on ur blog pag break ko……
ella….. mei new fan ka na….. hehehehe…. can i be ur BLOGKADA as well?
[Reply]