He found me…literally
Jan 10th, 2009 by ella
Eto na po ang karugtong ng ating teleseryeng may pamagat na…
Oo…iniistok kita
As Emily said in my previous post…my true love will find me. Pero joskohday, hindi ko naman akalaing literal ‘yon. As in ini-stalk akoooooh!
Nauunawaan ko ang hindi magkamayaw na fans ng aking kagandahan (umatake na naman ang kakapalan ng lola ‘nyo hehe), pero para ibigin mo ang byuti ko for more than a decade? As in subaybayan mo ako for fourteen years?? Shet, abuso na ‘yon, ‘di ba?
I don’t know about you, guys, but this kind of puppy love really blew my mind. Consider this scenario (which actually happened).
Act I Scene I:
One afternoon, sa Power Books sa Greenbelt, Ella is pretilly smiling as usual habang mukhang tangang hinihimas-himas ang isang kopya ng Diary ni Ella.
Tinabihan siya ng isang lalaking medyo matangkad, medyo kayumanggi, at medyo pogi. In short, your typical run-of-the-mill guy na kakalat-kalat sa mga malls. Too average ang dating para pansinin ng ating bida.
Inisnab siya ni Ellababes, op kors. Masyadong dumidikit ang mamang ito sa byuti niya. Lumayo nang konti ang ating mahinhing dalaga. Umusod-usod naman si lalaki palapit ulit kay Ella na para bagang na-magnet.
Ella: (sa isip lang) Hmmm…istoker yata ang mamang ‘to ah. ‘Pag dumikit pa ‘to, iispreyan ko na ng mace sa mukha hmf!
Istoker: (pasimpleng binuklat-buklat ang Diary ni Ella habang pasulyap-sulyap sa ating bida)
Ella: (sa isip lang ulit) Hmmm…baka naman magpapa-pirma ng otograp nyahahaha!
Istoker: Miss, pwedeng magtanong?
Ella: (sabi na magpapapirma eh hehe) Yes?
Istoker: (biglang may inilabas na lumang-lumang letrato as in naninilaw at gulanit na class picture ng mga batang paslit at idinuldol sa mukha ni Ella) Ikaw ba ‘to?
Ella: (parang na-hypnotize na tinitigan naman ang itinuturo ng lalaki sa lumang class picture) Oy, ako nga ‘yan!
Istoker: (biglang humalakhak na parang nanalo sa lotto) Ako ‘tong katabi mo, o.
Ella: (nahimasmasan sa isip niya: WTF! Hindi lang stalker ‘to, weirdo pa!) Talaga? Ikaw ba ‘to? Pero teka lang, bakit may dala kang lumang class picture natin? That’s weird!
Istoker: (hindi pinansin ang sinabi ni Ella) Natatandaan mo pa ba ako? Grade four tayo nito.
Ella: (makulit din) Hindi ko natatandaan ang pangalan mo eh. Pero bakit nga may bitbit kang class picture? Dala mo ba ‘yan kahit saan ka magpunta? Okey, this is a cute mini-reunion and all but the class pic is soooo weird, dude!
Istoker: (para talagang walang naririning) Ang cute mo pa rin, Ella. Hindi ka nagbago. Lalo kang gumanda…my little princess.
Ella: (biglang napangiti na labas lahat ang ipen) aaaaw the magic words hehe
At dahil binanggit ng kanyang secret stalker ang magic words (cute at maganda) tuluyan nang nag-transform ang ating mahinhing dalaga. Naging babaeng kaladkarin si Ella. Nakaladkad siya ni Prince Charming sa Starbucks upang magbalik-alaala sa kanilang makulay na nakaraan…
fade out
Wait, wait, sandali lang!! Anak ng tinapa! Anong makulay na nakaraan?? Jeez, I was only ten years old, for crying out loud!
Anyways, ang susunod na kabanata — Ang KANYANG nakaraan.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




this is exciting! ang cute ng story, can’t wait for the next installment…
[Reply]
Bakit balik sa simula ‘yung Top Commentators sa sidebar mo? Eniweiz…
Kakatakot naman ‘yung encounter niyo. Me dalang class picture. Chance encounter ba ‘yun, o sinundan ka mula bahay niyo?
[Reply]
kakatuwa nman si prince charming mo at tlgang bitbit nya yung class pic. nyo hehehe! ano yun lagi nyang dala pra in case na mgkita kyo eh may ibedensya sya na classmate kya noon??
pero teka eh wallet size ba yung class pic nyo princess ella at bitbit nya lagi…hehehe :
[Reply]
ano yon? he googled your name, read your blog..found out about your book launching and went there to ask you if that is you in the class pic?
aba, talaga palang hinanap ka ‘nO?
[Reply]
naghihintay ng susunod na kabanata hehehe…..
[Reply]
ella naman, masyadong bitin. I cannot wait to read the next story
[Reply]
Bitin! More pls.
[Reply]
Miss E,
You look glowing….been sometime since i was able to make a comment but its really nice to know that somebody is making you smile that sweetly.
Be Happy…and inlove always!
Vennisjean
[Reply]
nakakainis to! badtrip. kakabitin. ansakit tuloy sa puson! wahaha!
asan na kasunod neto! kasunoood!
[Reply]
[Reply]
para kang komedyante d2 sa blog mo-he will find you!
naninikip na dibdib ko kakatawa..
kc pinipigil ko, nakakhalata na kc mga ofis mates ko na wala
ko ginawa kundi mag basa ng blog mu.. hehe!!
[Reply]
teka lang, hindi ko na mapigilang magcomment. nagbackread ako ng post mo mula january 2008 last saturday lang. gusto kong makahabol sa present storya mo ngayon about sa inaayos mong kasal. hahaha!
natawa ko dito. dinuldol sa mukha sabay tanong ng ‘ikaw ba to?’. hahaha. classic. =D
ok, tuloy sa pagbaback read….
[Reply]