First love never dies
Nov 19th, 2008 by ella
Alam ko, pipol, mali ang lumingon-lingon pa sa nakaraan at magtampisaw sa ilog ng alaala. But if we’re really honest with our feelings, aaminin nating totoo nga, first love never dies. Nandoon pa rin siya. Nagtatago lang sa isang madilim na sulok ng puso natin. Kahit naka-move on na tayo, hindi nabubura ang pitak ng unang pag-ibig.
Alam ‘nyong hindi si Merkano ang pinag-uusapan natin dito, right? Inihaw na bangus kasi ang ulam namin kagabi. Hindi ko napigil ang pagdaloy ng nakaraan.
Bigla kayong mapapatanong, “Huh? Anong kinalaman ng ulam sa unang pag-ibig ni Ella?” Ang layo ng “kasi” ko, but you know me, I’m weird that way hehe.
Si Perslab, better known to you guys as Soulmate, ay may koneksyon sa isda. Bangus to be exact. Taga-Pangasinan siya at palaisdaan ang business ng family niya. Palabangusan to be exact ulit.
Nang malaman niya na peyborit namin ni Tatay ang daing na bangus, nagbitbit siya sa bus ng isang malaking kahon ng sariwang dinaing na bangus at ipinasalubong kay ama, 60 daing na bangus.
Eh mas gusto ko ang tinapang bangus kaya may separate little kahon ako ng tinapang bangus.
Ooops sumakit na naman ang puso ko. Feeling kinukurot-kurot nang maliliit. Hmmm…it’s amazing how much it still hurts to remember.
I blogged about this sa Ella Rose more than a year ago at may pamagat na “Panunuyo part 2″. Meron kasing part 1 ang panunuyo ni Soulmate. Isang kaing na mangga naman ang binitbit niya sa bus. “Ligaw-probinsyano” naman ang title nito.
Aruy ko, shet, kinurot na naman ang puso ko!

Isang kaing na mangga ni Perslab. Ke hilaw, ke hinog, ang sarap niya! (pics from Ella Rose blog)

Animnapung daing na bangus? Yeess! Mahal nga niya ako! Noon ‘yon haha!

Tinapang bangus. Ang sarap nito, grabe, naalala ko na naman ang lasa niya
History na ang first love ko katulad ng mga letratong ito but… it’s still there. A living, breathing part of my being. Hindi na nga lang siya kasali sa present at future ko.
First love never dies. I think whoever invented this saying meant that memories of a great love are never lost. They are timeless. Precious moments that made us smile those many secret smiles once upon a lovely time. Wala silang kapalit at hindi na sila mauulit.
…Buti na lang may blog. May letrato ang mga alaala.





Puto-kutsinta ni Bae Osiang




gnun lng tlga cguro minsan sadyang may masaya at mapait na alaala…
pero ang sarap ng mangga mo elladear nkakapang tulo laway….hehehe
[Reply]
Yes, it is true that “first love never dies”. However, it does fade.
[Reply]
*** This is a whisper message for ella! ***
[Reply]
i miss reading bout the soulmate..heheheh!
[Reply]
yes, it never dies but it fades away…. but the memories still remains hehehe
asan na kaya si soulmate ngayon?
[Reply]
move on!?……….kapag ganyan ka-berde ang mangga bigay sa yo……….talagang mahirap mag-move on………hehehehe……….bakit walang bagoong alaminos………heheheheh………sayang mukhang super sarap pa na man ang mangga!………sabe nga nila……..it is better to have love and lost……..than never to taste the mangga @ all.
[Reply]
you are absolutely right…hahaha.
anyway, HAPPY BIRTHDAY DEAREST. wishing you all the best in life!
[Reply]
Nangasim ako sa litrato mo ng mangga.. at nagutom na naman sa nakitang bangus! Peyborit ko yan pareho - ang dinaing at tinapa.
I agree that “Pers lab neber days.”, at masarap lumingon kahit minsan sa ating nakaraan. Pagkatapos ay matatawa na lang tayo sa ating mga sarili dahil sa alaala na dulot nito.
[Reply]
You hit me once again! Its true there is still some emotions hidden beneath the surface of our hearts, sometimes I did want to be free. But now thanks to your blog I realized shes my soulmate. And that she will never fade no matter how I try. Haha funny, I miss her now.
[Reply]
i agree, true love never dies hehehe napaisip naman ako dun
[Reply]
yeah, first love does fade. but it will never die. cause every time you remember you will always feel weak or nauseous.
[Reply]
*** This is a whisper message for ella! ***
[Reply]